Pananaliksik Flashcards
Ayon sa kanya ang salitang research ay lumang salitang Pranses na rechercher na ang kahulugab ay “to seek out” o hanapin.
Galileo Zafra
Ayon sa kanya ang saliksik ay “detailed search o detalyadong paghahanap”
Jose Villa Panganiban
Uri ng pananaliksik
- Deskriptiv
- Historical
- Genetic
- Case study
- Experimental
- Normative
- Comparative
Isang malawak na pag-aaral sa isang aklat,isang pasyente,isang usapin o kado sa hukuman,o kaya’y isang mabigat na suliranin
Case study
Sinasaklaw nito ang kasalukuyan, pinag-aaralan ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan
Deskriptiv/palarawan na pananaliksik
Pinag-aaralan at sinusuti nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa
Genetic na pananaliksik
10 katangian ng mabuting pananaliksik
- Sistematik
- Kontrolado
- Empirikal
- Mapanuri
- Obhetibo
- Gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal na metodo
- Orihinal na akda
- Matiyaga at hindi minamadali
- Nangangailanganan ng tapang
- Akyureyt na imbestigasyon
Sinasaklaw nito ang nakalipas
Historical/kasaysayan
Pinag-uukulan dito ng pansin ang hinaharap at kung ano ang mangyayari
Experimental na pananaliksik
Ginagamitan ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos
Comparative/ hambingang pamamaraan
Dito’y inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa umiiral na pamantayan
Normative/ pamaraang nakabatay sa pamantayan
Dalawang kasingkahulugan ng saliksik
Siyasat at sigasig
Hakbang sa pagsulat ng sulating pananaliksik:
- Pagpili ng paksa
- Paghanap ng materyales sa aklatan at paghahanda ng mga masasangguniang kagamitan
- Pagkuha ng mga tala
- Paggawa ng balangkas
- Pagsulat ng burador
- Paglikom ng mga karagdagang dahon kaugnay sa paksa
- Pagtatala ng sanggunian
Kabanata I Kabanata II Kabanata III Kabanata IV Kabanata V
I. Panimula/introduksyon
II. Pagsusuri, paglalahad at interpretasyon ng mga datos
III. Paglalagom, kongklusyon at Rekomendasyon
IV. Bibliyograpiya
V. Karagdagang Dahon
Layunin ng pag-aaral na masagutan ang mga sumusunod na katanungan
Panimula/ introduksyon
Natutunan/nadiskubre na hindi pa natuklasan
Kongklusyon
Sinu-sino ang mabibigyan ng benepisyo ng pag-aaral.
Kahalagahan ng pag-aaral
Para sa lubos na pag-unawa sa mga terminolohiyang ginamit
Kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit
Hangganan o limitasyon ng pananaliksik
Saklaw ng pag-aaral
Mahalagang impormasyon sa paksa
Paglalagom