Pananaliksik Flashcards
Tinutukoy dito ng mananaliksik kung anong uri ng pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral.
Disenyo ng Pananaliksik
Sino ang nagsabi na, “Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin.”
E. Trece at J.W. Trece (1973)
Ang tiyak at pinapayak na paksa ay isinasalin sa anyo ng ___ na magiging batayan ng buong pananaliksik.
Tanong
Ito ang paglalarawan o paliwanag ng mga bilang (numero) na nasa loob ng talahanayan o grap.
Tekstuwal na presentasyon ng datos
Sa bahaging ito, naglalagay ng maikling pahayag tungkol sa layunin ng pag-aaral, tinutukoy dito kung sino ang tagapagsagot at kung saang populasyon siya kabilang.
Buod
Ang limang hakbang sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik ay ayon kay __
De Laza (2016)
Ayon sa kanya, “Ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.”
Kerlinger (1973)
Ito ay mapanghugang ulat ng impormasyon na matatagpuan sa panitikan na may kaugnayan asa napiling pag-aaral, inilalagay ng mananaliksik ang mga impormasyong nakalap mula sa aklat, dyornal, at artikulo.
Kaugnay na Literatura
Ang hakbang na ito ay nagsisilbing estraktura na nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik.
Pagdidisenyo ng pananaliksik
Ito ay sistematikong ipinapakita ang mga datos, gayundin ang klasipikasyon o pangkat kung saan ito kabilang
Tabular na presentasyon ng datos
Sa hakbang na ito, maaaring magbigay ng kopya ng pananaliksik sa mga silid-aklatan at publication websites.
Pagbabahagi ng pananaliksik
Ito ay ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin nanangangailangang bigyan ng kalutasan.
Pananaliksik
“Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan”
Good (1963)
Ayon kay Kerlinger (1973) Ang ____ ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano.
Sistematikong Pananaliksik
Ayon kay ____, ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon.
Aquino (1974)