Pamamaraan At Uri Nang Pag Sulat Flashcards
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Paraang Impormatibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman.
Paraang Ekspresibo
Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Pamaraang Naratibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
Pamaraang Deskriptibo
Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
Pamaraang Argumentatibo
Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan.
Teknikal na Pagsulat
Layunin nito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan mayamang kaalaman hinggil sa isang paksa. ng
Reperensyal na Pagsulat
May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo at iba pa.
Dyornalistik na Pagsulat
Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
Akademikong Pagsulat
Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Malikhaing Pagsulat
Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Propesyonal na Pagsulat