PAL MIDTERMS Flashcards
“Ang Panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa lipunan, pamahalaan, kapaligiran, kapwa at Dakilang Lumikha”
Honorio Azarias
“Ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan sapagkat dito masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mga tao na nasusulat o binabanggit sa maganda, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag.”
Maria Ramos
“Ang Panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanilang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanilang kapaligiran, gayundin sa kanilang pagsusumikap na makita ang Maykapal.”
Atienza, Ramos, Salazar at Nazal, 1984
“Ang panitikan ay Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.”
Jose Arrogante
“Ang Panitikan ay Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.”
Panganiban, 1954
“Ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksiyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng ng tula, maikling kuwento , dula, nobela, at sanaysay.”
L. Santiago, 1993
Ang salitang “panitikan” ay nagmula sa salitang ____ na may unlaping _____ (na naging PAN dahil sa tuntuning pangwika na pan ang gagamitin kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d,l,r,s, at t) at hulaping ______
Titik, Pang, An
“Ang Lipunan ay isang buhay na organismo na rito nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.”
Emile Durkheim
“Ang Lipunan ay pinagkakikitaan ng tunggalian ng awtoridad. Ito ay bunga ng pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan ang kanilang pangangailangan.”
Karl Marx
“Ang Lipunan ay binubuo ng tao na may magsalabid na samahan at tungkulin. Ang tao ay nauunawan at higit na nakilala ang kaniyang sarili nang dahil sa pakikisama sa iba pang mga miyembro.”
Charles Cooley
Tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang nakaayos na komunidad na may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga. Ito rin ay binubuong iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at kultura.
Lipunan
Mga Uri ng Panitikan
Patula, Tuluyan, Patanghal
Isinusulat nang pasaknong, binibigkas nang may indayog, matalinhaga, may sukat at tugma. Maaari rin itong malaya na wala ang sukat o ano mang tugmaan.
Patula
Isinusulat nang patalata, karaniwan ang mga salita at tuloy-tuloy ang pagpapahayag.
Tuluyan
Kung ang panitikan ay itinatanghal sa entablado. Pa-iskrip ang pagkakasulat nito at binubuo ng mga tagpo at yugto. Dati itong nasasaklaw ng anyong patula noon sapagkat ang mga dula noon ay itinatanghal nang patula.
Patanghal
Mga Akdang Patula
Epiko, Awit, Korido, Balad, Balitao, Soneto, Awiting Bayan, Balagtasan, Karunungang Bayan
Isang tulang nagsasaad ng kabayanihan at kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan
Epiko
Isang uri ng tulang lalabindalawahing (12) pantig at binibigkas nang mabagal. Ang mga kaganapan ay nagmula sa danas ng isang indibidwal.
Awit
Isang uri ng tula na wawaluhing (8) pantig at binibigkas nang mabilis. Pantasya at kababalaghan ang karaniwang nilalaman nito.
Korido
Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y inaawit habang may nagsasayaw
Balad
Isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalake
Balitao
Binubuo ng labing-apat(14) na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Soneto
Isang uri ng tulang liriko na karaniwang inaawit na may kaalinsabay na gawain. Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t ibang uri ang mga ito batay sa okasyong paggagamitan.
Awiting Bayan
Awitin sa pamamangka
Talindaw
Awitin sa mga kasal at panliligaw
Diona
Awit pampatulog sa mga musmos na anak.
Oyayi
Awit ng pagpupuri at pagpaparangal sa Diyos o Maykapal.
Dalit
Tumatalakay sa damdamin, panaghoy o panangis para sa alaala ng yumao.
Elehiya
Tumutukoy sa papuri o masiglang damdamin. Ito’y walang bilang ng pantig at saknong.
Oda
Awit ng pakikidigma at pakikibaka
Kumintang
Awitin matapos ang maghapong pagtratrabaho sa bukid, o dili kaya’y awit sa pasasalamat sa masaganang ani.
Kalusan
Awit ng tagumpay
Sambotani
Awit tungkol sa pag-ibig
Kundiman
Pagpapalitan ng katwiran sa anyong patula.
Balagtasan
Mga sinaunang tula na maikli lamang.
Karunungang Bayan
isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maikling sanaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na bunga ng isang maikling guni-guni o kathang-isip ng may-akda.
Maikling Kwento
isang akdang nagpapahayag ng pananaw ng manunulat. Ito ay maaaring magkaroon ng mga elemento tulad ng opinyon, kuru-kuro, pagpuna, impormasyon, obserbasyon, alaala at pagmumuni-muni ng isang tao.
Sanaysay
Dalawang uri ng Sanaysay
Pormal at Di Pormal
ito ay ang uri ng sanaysay kung saan tinatalakay nito ang mga seryosong paksa at nangangailangan ng malalim na pang-unawa at masusing pag-aaral.
Pormal
ito naman ang uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga magaan, pangkaraniwan, at pang-araw-araw na paksa.
Di Pormal
isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
Nobela
Ang Nobela ay mayroong _______ salita o______ pahina.
60,000 - 200,000 o 300 - 1,300
Maikling salaysay ng mga kawili-wili o katangi-tanging karanasang nagtatampok sa ugali o pagkatao ng isang indibidwal na kapupulutan ng aral sa buhay.
Anekdota
Salaysaying hubad sa katotohanan sapagkat mga hayop ang pangunahing tauhan dito. Layunin nitong imulat ang kaisipan ng mga bata sa mga pangyayaring huhubog sa kanilang asal at kilos.
Pabula
Salaysay na mula sa Banal na Kasulatan na kapupulutan ng mga gintong aral.
Parabula
Kwentong naglalarawan ng mga tradisyong tulad ng kaugalian, pananampalataya, karanasan at suliraning panlipunan. Isa itong magaang pagpuna sa ugaling Pilipino sa paraang kakatwa.
Kwentong Bayan
Salaysay tungkol sa pinagmulan ng bagay, lugar o pangyayari ang mga paksa nito.
Alamat
Isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na mga pangyayari sa lipunan, pamahalaan, industriya at agham, mga sakuna o maging trahedya na naganap sa loob o labas man ng bansa.
Balita
Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo, at iba pang aspekto nito.
Dula
Pagsasadula ng paghahanap ng Banal na mag-asawa ng lugar na pagsisilangan ni Kristo Hesus.
Panuluyan
Pagtatanghal ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo.
Senakulo
Dula ng mga paroko ng Katoliko at Aglipay. Ito ang pagsasadula ng pagsasalubong ng muling nabuhay na Kristo at Birheng Maria sa umaga ng Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Salubong
Pagsasadula ng paghahanap nina Sta. Elena at Prinsipe Constantino sa krus na pinagpakuan kay Hesus. Ginagawa ito tuwing panahon ng mayo.
Tibag
Pagtatanghal gamit ang mga karton bilang tauhan. Mga anino lamang ang nakikita na pinapatingkad ng mga gamit na ilaw.
Karilyo
Pagsasadula ng walang anumang dayalogo at puro kilos at galaw lamang ng tauhan ang makikita.
Pantomina
Pagtatanghal na nagpapakita ng labanan ng mga Kristiyano at mga Moro o Muslim.
Moro-Moro
Isang anyo ng dulang musikal. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay ng nakasaliw sa mga tugtugin na nilangkapan ng sayaw.
Sarsuwela
Sa umpisa ay malungkot ngunit sa katapusan ay nagiging masaya.
Melodrama
May layuning pasayahin ang mga manonood.
Komedya
Layuning magpasaya sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga pangyayaring nakakatawa.
Parsa
Binubuo ito ng tunggalian na nagwawakas sa pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Trahedya
Ito ay pagsasadula ng pitong sagradong sakramento ng mga Katoliko na kadalasan ay nagaganap sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan.
Desposorio
Ito ay ginaganap tuwing hatinggabi bilang salubong sa may kaarawan na hinahandugan. Ngunit sa ibang bahagi ng lalawigan ng Bulacan, ang ______ ay para sa isang yumao. Ginaganap ito sa huling gabi ng lamay ng namayapa na napupuno ng awitan at paggunita sa yumao.
Manyanita
Ito ang tradisyunal na panghaharana subalit ito ay hindi simpleng harana sapagkat ito ay isinasagawa tuwing alas-sais ng gabi ng buong pamilya ng lalaking na mamanhikan sa pamilya ng kanyang kasintahan upang hingin ang kamay nito upang maging katipan ng puso.
Harana De Pamanhik
isang malinaw na salamin, larawan, repleksiyon o representasiyon ng buhay, karanasan, lipunan at kasaysayan.
Panitikan
nagsisilbing tanghalan ng mga kaugalian, halagahan, at mithiing binuhay ng mga taong naharap sa mga sigalot na dulot ng mga pangyayari at ng mga suliraning sa pana-panahon ay dinaranas ng isang lipunan.
Lipunan
Katawagang ginamit para sa uring panlipunan at sa politikal na katungkulan ng isang tao. Ito ay katungkulang namamana at kailangang pakaingatan upang mapanatili ang dangal ng isang angkan.
Datu
namamahala sa mga serbisyong militar na pandagat
Maharlika
Hindi lamang sila alalay o alabay kundi katuwang din ng datu sa pakikipagdigma. Sila rin ang tumitikim muna ng alak upang malaman kung may lason ito bago inumin ng datu.
Timawa
Ang pinakamababang uring panlipunan. ng mga taong nabibilang sa estadong ito ay hindi maaaring makapag-asawa ng mga datu at may tungkuling pagsilbihan ang kanilang panginoon (datu) at ang katuwang nito (timawa).
Oripon
Sila ang mga aliping naglilingkod sa loob ng bahay o tahanan. May iba namang may sariling bahay at pumupunta na lamang sa bahay sa pana-panahon upang tumulong sa pagsasaka at pagsama sa paglalayag.
Saguguiles
Ang mga aliping tumutulong sa paggawa ng tirahan ng kaniyang datu at naglilingkod bilang katulong tuwing mayroon itong bisita at sa tuwing kinakailangan ang kaniyang serbisyo.
Namamahayes
Diyos ng mga prutas sa daigdig.
Lakanbaco
Ito ang kanilang pinag-aalayan ng sakripisyo para sa pagkain at mga salita. Hinihilingan ng tubig para sa kanilang mga palayan, at pangingisda para sa masaganang huli.
Lakanpati
Katuwang ng datu sa pagpapabuti ng ekonomiya. Siya ang tagapagtakda kung kalian dapat sinimulan ang paghahawan sa kagubatan at pagsunog upang mapagtaniman ito. Sinasangguni ang tamang panahon sa pagtatanim sa pamamagitan ng pagbasa sa mga bituin sa kalangitan.
Babaylan
Pagpapasibol ng ating orihinalidad bilang mga Pilipino.
Pantayong Pananaw
*Panahon ng Kastila
*Panahon ng Amerikano
*Panahon ng Hapon
Kolonyal
*Martial Law
*Literatura Pagkatapos ng
*Edsa
Post Kolonyal
Dagdag pa niya , ang mga katutubo
ay may sariling wika na pinag ugatan
ng wikang ginagamit natin sa
kasalukuyan
Bienvenido Lumbera
pinakamahabang yugto sa kasaysayan
ng Pilipinas
Pre Kolonyal
Ang mga katutubo ay gumagamit na
ng mga ginto , tekstayl , at marunong
na ring tumunaw ng bakal sa
panahong ito .
Pre Kolonyal
“Ang mga ninuno nanirahan malapit sa tubig at kagubatan sa
panahong pre kolonyal”.
William Henry Scott
*Mitolohiya
*Epiko
*Kuwentong bayan
*Alamat
*Sawikain
Panitikang Oral
Taon ng Panahon ng Espanol
1521-1898
-Maranaws
-Maguindanaws
-Taosugs
-Igorots
-Ifugao
-Bontocs
-Kalingas
RESISTANCE TO COLONIAL RULE
Anong taon dumating si Miguel Lopez de Legaspi ( Kauna unahang gobernadora heneral )?
1521
kailan opisyal na nasakop ang Piipinas?
1565-1898
Sa ganitong sistema ,mayroong sentro obayan kung saan matatagpuan ang munisipyo , simbahan , pamilihan , paaralan , at iba pang establisyimento
PUEBLO SYSTEM
Ang mamayan na ninirahan sa loob nito ay
naging ___________
TAGABAYAN
ang mga katutubo sa labas ng pueblo ay
tinawag na ____________ at _____________
TAGABUNDOK AT TAGABUKID
*taga bayan
*naabot ng simbahan
*Nakaangat
*urbanidao “ at sibilisado
MGA NANATILI SA PUEBLOS
*tagabukid , tagabundok
*nanirahan sa bundok
*brutos salvages
MGA NASA LABAS NG PUEBLOS
Ang unang akda na nailimbag sa
Pilipinas
Doctrina Christiana 1593
mga kasanayan na pinagtuunan ituro sa mga mag
aaral sa panahon ng Kastila
Bumasa, Sumulat, Magsuma
siya ang nagsulat ng Florante at Laura
FRANCISCO BALTAZAR
Nakasentro ang aral sa pagkakaroon ng magandang pag uugali
IBONG ADARNA
siya ang nagsulat ng urbana at feliza
MODESTO DE CASTRO
Tungkol sa tamang pagkilos ng
kababaihan sa panahon ng mga
Espano
URBANA AT FELIZA
Pagtatanghal ng buhay at
pagpapakasakit ni Hesukristo
SENAKULO
-Mga Filipinong
nakapag aral sa Europa
-Mas mulat
-Oportunidad para sa
gitnang uri
ILLUSTRADOS
siya ang nagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo
DR. JOSE P. RIZAL
-Nagsilbing manipesto ng
Katipunan
-“Pag ibig sa Tinubuang Lupa”
ANDRES BONIFACIO