PAGSULAT Flashcards
Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong sumulat.
Wika
Ito ay nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
Paksa
Ito ay nagsisilbing giya mo sa paghahabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat
Layunin
Upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay narin sa layunin o pakay ng pagsusulat.
Pamamaraan ng pagsulat
Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
Kasanayang pampag-iisip
Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng Malaki at maliit na titik, wastong pagbabaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng pangungusap, pabuo ng talata, at masining at obhetibong pagahabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos , organisado, obhetibo at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Pamamaraan ng pagsulat
Pamamaraang Impormatibo
Pamamaraang Ekspresibo
Pamamaraang Naratibo
Pamamaraang Deskriptibo
Pamamaraang Argumentatibo
Mga gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
Wika
Paksa
Layunin
Pamamaraan ng pagsulat
Kasanayang pampag-iisip
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging gingamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto.
Pormal
Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa.
Di-Pormal
May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-pormal na uri ng pagsulat.
Kumbinasyon
Iba’t- Ibang uri ng pagsulat
Pormal
Di- Pormal
Kumbinasyon
Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mambabasa.
Malikhaing Pagsulat
Ito ay ginagawa sa layuning mapag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.
Teknikal na Pagsulat