Pagsasaling Wika Flashcards
Muling paglalahad sa pinagsalinang wika sa pinakamalapit at natural
na katumbas ng orihinal na mensaheng isinasaad ng wika; una’y batay sa estilo at ikalawa’y batay sa kahulugan
nida, 1959
Isang proseso kung saan ang isang pahayag ay ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang umiiral na pahayag sa isa pang wika
rabin, 1958
Sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda nang hindi nagbabago ang diwa at kaisipang inihahayag nito tungo sa iba pang
wika
Santiago, 1976
Ito ang pinakapayak at unang hakbang sa pagsasalin kung
saan isinasalin ng salita sa salita ang teksto
sansalita-bawat-sansalita
Sa paraang ito ay isinasalin sa pinakamalapit na kahulugan ang mensahe mula sa orihinal patungo sa target na wika kung saan isinasaalang-alang ang
tuntuning gramatika ng wikang pagsasalinan.
literal
Sa paraang ito ay tila isinasantabi ng tagapagsalin ang orihinal sapagkat mula sa orihinal ay nakakabuo siya ng tila panibagong akda.
adaptasyon
Ipinagpapalagay ng tagapagsalin na nasa kanyang kamay ang pagpapasya kung paano isasalin ang teksto na lubhang may kahirapan.
malaya
Sinisikap ng tagapagsalin na manatili ang orihinal na mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong wika. Gayon din ay sinisikap na manatali pati ang pagkakaayos ng pahayag sa orihinal patungong pagsasalinang wika.
matapat
May kakayahan ang tagapagsalin na unawain ang kalaliman ng orihinal at hanapin ang katumbas nito sa target na wika.
idyomatikong salin
Pinapangibabaw ng tagapagsalin ang pagiging katanggap-tanggap ng salin sa mga bagong mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa pandinig at paningin nila ang mga ito.
saling semantiko
Pagsasalin sa pinakapayak at nauunawaang wika ng marami.
saling komunikatibo