Pagsasalaysay/ Pang ugnay Flashcards
ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkuwento o magpahayag ng sunod-sunod na mga pangyayari.
PAGSASALAYSAY
dalawang gamit ng pang-uugnay
PAGDARAGDAG AT PAG-IISA NG MGA IMPORMASYON at PAGPAPAHAYAG NG MGA KAUGNAYANG LOHIKAL
gumagamit ang pang ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa ng mga impormasyon.
PAGDARAGDAG AT PAG-IISA NG MGA IMPORMASYON
ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga,paraan at layunin,paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.
PAGPAPAHAYAG NG MGA KAUGNAYANG LOHIKAL
ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang sugnay.
PANG-UGNAY (COHESIVE DEVICES)
ang mga _______ ay maari ring magsilbing mga panandang pandiskurso na maghuhudyat ng pagsusunong-sunod ng mga pangyayari
PANG-UUGNAY (COHESIVE DEVICES)
ibigay ang mga Uri Ng Pang-uugnay
PANGATNIG,PANG-UKOL,PANG-ANGKOP
ang mga kataga o salitang pag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pagsusunod-sunod sa pangungusap ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan
PANGATNIG
kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa pangungusap.
PANG-UKOL
ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
PANG-ANGKOP