Pagsasalaysay Katangian Flashcards
ito ay dapat na maging maikli lamang, hindi
katawa-tawa at lumilikha ng pananabik.
May Maganda o Mabuting Pamagat
kailangan ito ay kapupulutan ng aral at maging kapaki- pakinabang sa babasa.
May Mahalagang Paksa o Diwa
Ito rin ay dapat na nagbibigay ng mga bagong
kaalaman sa mga babasa o makikinig o kaya naman ay naiuugnay sa kanilang karanasan o kalagayan na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang pagkatao.
May Mahalagang Paksa o Diwa
Ang karaniwang pagsasalaysay ay nag-uumpisa sa simula ng mga pangyayari na sinusundan ng mga gitnang pangyayari at pagkatapos ay wakas na pangyayari.
May Wasto o Maayos na Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari
Ang unang pangungusap ng salaysay ay dapat na makalikha ng pananabik sa babasa o makikinig upang makuha ang atensiyon at interes nito hanggang sa matapos niya ang pagbabasa o pakikinig.
May Kaakit-akit na Simula