Pagbuo Ng Thesis Na Pahayag At Pangagalap Ng Datos Flashcards
colina
Ito ang nagbubuod sa kabuuang nilalaman ng isang sulatin
Ito ang nagbibigay ng ideya sa mambabasa tungkol sa lawak ng pagtalakay sa paksa
Dito isinasaad ang pananaw ng may-akda sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga patunay
Dapat may mga ebidensya, patunay, at katotohanang datos
Tesis na pahayag / Thesis statement
bakit mahalaga ang tesis na pahayag?
upang matukoy ang PANGUNAHING KAISIPAN ng sulatin
upang mag KAISAHAN sa panunulat o UNITY
paano binubuo ang tesis na pahayag?
- tukuyin ang paksa
- bumuo ng pangunahing argumento
- bumuo ng pansamantualag tesis na pahayag
- rebisahin hanggang makuha ang punto ng argumento
Ang mga elementong ito ay sinusuri at inoobserbahan ng mga mananaliksik upang matukoy ang kanilang relasyon sa isa’t isa, maaring ito’y magkaroon ng sanhi at bungang relasyon.
elemento ng pananaliksik
Dalawang Uri ng Nagbabagong Elemento ng Pananaliksik:
nakapag-iisa (independet) at di nakapag-iisa (dependent)
Ito ang elementong tinutukoy bilang sanhi o dahilan.
nakapag-iisa (independent variable)
Ito ang elementong tinutukoy
bilang bunga o resulta.
di nakapag-iisa (dependent variable)
Ito ay kadalasang ginagawa kapag tapos ng buuin ang konseptong papel, sumasailalim sa depensa at, rebisyon ayon sa kinalabasan ng depensa.
Pangangalap ng datos
Dito binibigyang diin ang kahalagahan ng malinaw na paglalatag ng tunguhin ng pananaliksik ng binuong konseptong papel at tesis na pahayag dahil ito ang gagabay sa mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon.
PAngangalap ng datos
maaaring makakalap ng impormasyon mula sa mga
aklat
panayam
pananaliksik
dyornal
website
ulat
atbp.
Ito ay isang uri ng graphic organizer na nagpapakita ng ugnayan ng mga konsepto at ideya sa pamamagitan ng susing salita na karaniwang nasa loob ng mga hugis. Nakakatulong ito sa mananaliksik na masuri at maorganisa ang kanyang mga ideya, makita ang kabuuang saklaw ng impormasyon at maging ang kayarian o balangkas ng mga pinag- uugnay na ideya at impormasyon.
Mapa ng Konsepto
(concept map)
ay talaan ng lahat ng sangguniang matatagpuan sa isang silid-aklatan.
Kard Katalog
May tatlong pangunahing uri ng kard katalog:
- Katalogo ng mga Awtor
- Katalogo ng mga Pamagat
- Katalogo ng mga Paksa
nakalista nang paalpabeto ang pangalan ng lahat ng may-akda ng iba’t ibang sanggunian. Ito ang gagamitin sa paghahanap kung ang gagamitin sa paghahanap ay ang pangalan ng may-akda.
Katalogo ng mga awtor
nakalista nang paalpabeto ang pamagat ng lahat ng sanggunian. Ito ang gagamitin sa paghahanap kung ang gagamitin sa paghahanap ay ang pamagat ng sanggunian.
Katalogo ng mga pamagat
nakalista nang paalpabeto ang lahat ng paksang pinatutungkulan ng mga sanggunian sa aklatan. Ito ang pinakamalawak na talaan para sa paghahanap gamit ang paksang sasaliksikin.
Katalogo ng mga paksa
naman ay naglalaman ng impormasyong tungkol sa aklat o sangguniang ginawa ng may-akda. Nasa itaas ng kard ang pangalan ng may-akdang hinahanap.
kard ng awtor
ang tawag sa mga kard na naglalaman ng impormasyon tungkol sa aklat o sanggunian na may gayong pamagat. Sa pinakataas na bahagi ng kard makikita ang pamagat ng hinahanap na sanggunian.
kard ng pamagat