pagbasa Flashcards
Batay sa International Reading Association, ang pagbasa ay pagkuha ng kahulugan mula sa mga nakatalang titik o simbolo
Ayon naman kay Frank Smith, ang pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pag-unawa sa teksto ay ang pagkuha ng sagot sa iyong mga tanong.
Mula naman kay Kenneth Goodman sa Journal of the Reading Specialist (1967), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisip: ang kakayahang manghula, bumuo ng hinuha o prediksyon kaugnay ng tekstong binabasa.
Ayon kay Coady (1979):
“Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon sa binasa.”
Ayon kay G. James Lee Valentine (2000):
“Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak.”
Ayon naman kay Cecilia S. Austero at mga kasamahan, ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
Ayon kay William Morris, Editor-in-Chief ng The American Heritage at awtorng Your Heritage Dictionary of Words, ang pagbasa ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na mga salita
Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin at iba pa.
Ito’y pag-unawa sa kahulugan ng isang aklat, sulatin at ibang nasusulat na bagay.
Ang pagbasa ay ang tiyak at maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita upang magkabuo ng kahulugan at kaisipan (Angeles, Feliciana S., 142).
Ang pagbasa ay ang tiyak at maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita upang magkabuo ng kahulugan at kaisipan (Angeles, Feliciana S., 142).
Ayon kay Mary Joy Castillo et. al…
1. Ang pagbasa ay isang malawak na proseso na may kinalaman sa kakayahang pangkaisipan ng isang tao.
2. Ito ay isa ring pagkatuto ng wika, pakikipagtalastasan at ng pagbahaginan ng mga impormasyon at ideya.
3. Ito rin ay pagbibigay-kahulugan sa nakalimbag na kaisipan upang makabuo ng diwa ang pagbabasa.
Pagbasa
Bahagi ng pagbabasa
ang mga prosesong pag-alam sa kahulugan sa mga nakatala o nakalimbag na datos.
Ito ay isang prosesong
pagpapalutangsanakatagong kahulugan ng isang teksto at angganap napag-unawarito.
Pagbasa
Ang pagbuo ng kahulugan sa mga nakatala o nakalimbag na datos ay ang proseso ng pag-aangkop at pagpapayaman sa kahulugangnapalutang batay sa naunang kaalaman ngmambabasa.
Ang prosesong ito ang sangkot sa madalas na bukambibig napaghahanap ng mas malalim na kahulugan.
Kaalamang ang wikang binabasa ay may kahulugan, may sariling paraan ng pagsulat at may sariling paraan ng pagbasa; kaalaman din ito ukol sa mga tiyak na bahaging dapat mabasa upang ganap na mauunawaan ang teksto.
Literacy Awareness
Kakayahang makilala ang mga titik na gamit sa wikang binabasa at maiangkop sa tunog (ponolohiya, intonasyon) ng wikang ito upang maibigay ang tiyak na kahulugan ng salita
Decoding Skill
Kaalamang makilala ang ponolohiya ng wikang gamit sa nakatalang teksto, kabilang ang palapantigan at palabigkasan ng wika
Language Factors
Kaalamang makilala ang mga tiyak na salitang gamit sa wika na maaaring taglay o ikinaiba ng ibang wika subalit nagtataglay ng ibang kahulugan, sa pasulat o pasalita mang paraan
Language Factors
Kaalamang makilala kung paano binubuo ang mga pahayag sa isang wika, gayundin ang kanilang intonasyon
Language Factors
Kaalamang makilala ang paraan ng pag-uugnay ng mga salita, pangungusap o talata ng isang wika
Language Factors
Kaalamang makilala ang mga inilalarawan at isinasalaysay sa akda batay sa aktuwal na kaganapan sa paligid
Cognition Factors
Kaalamang mapanatili ang atensyon sa tekstong binabasa nang mahabang panahon
Cognition Factors
Kaalamang maorganisa o maiayos ang mga datos ng tekstong binabasa batay sa hinihingi ng pangyayari
Cognition Factors
*Kaalamang magtanda ng impormasyon at muling mabalikan ang mga impormasyong ito kung kakailanganin
Cognition Factors
Kaalamang makapagpaliwanag batay sa kahulugan ng tekstong babasahin at makapag-uri ng datos na mahalaga, totoo at balido
Cognition Factors