PAGBASA Flashcards
ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali
etika
Mga gabay sa etikal na pananaliksik
- PAGKILALA SA PINAGMULAN NG MGA IDEYA SA PANANALIKSIK
- BOLUNTARYONG PARTISIPASYON NG MGA KALAHOK
- PAGIGING KUMPIDENSIYAL AT PAGKUKUBLI SA PAGKAKAKILANLAN NG KALAHOK
- PAGBABALIK AT PAGGAMIT SA RESULTA NG PANANALIKSIK
ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Plagiarism
ay pag-angkin ng akda at ideya ng ibang tao at isama ito sa iyong akda na walang tamang pagbanggit. Dagdag pa rito, lahat ng mga nalathala at di pa nalalathalang materyales, printed man o nasa elektronikong anyo ay sakop ng depinisyong nabanggit.
Plagiarism
ay magbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang mapiling paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis.
paunang impormasyon
Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon
INTERNET
AKLATAN
Tiyak na libo-libong impormasyon ang lalabas kaugnay nito subalit maging maingat ka sa pagpili sapagkat hindi lahat ng mga impormasyong mababasa mo ay tumpak.
INTERNET
Isang napakahalagang lugar na maari mong mapagkunan ng mga impormasyon. Maraming aklat, pangkalahatang sanggunian tulad ng almanac, atlas, encyclopedia, pahayagan journal, at magasin ang matatagpuan ditong maaaring naglalaman ng mga datos o impormasyong kakailanaganin sa pagbuo ng iyong panukalang pahayag.
AKLATAN
Mga datos na nagsasalaysay o naglalarawan o pareho. Halimbawa nito ay kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari, at sasagot sa mga tanong na paano at bakit. Maging sa mga tanong na ano, sino, kailan at saan.
DATOS NG KALIDAD
(QUALITATIVE DATA)
Mga datos na numerikal at ginagamitan ng mga operasyong matematikal. Mga datos na may katangiang nabibilang o nasusukat tulad ng taas, bigat, edad, o grado.
DATOS NG KAILANAN
(QUANTITATIVE DATA)
Halimbawa ng pansamantalang balangkas
I. Introduksiyon
A. Paunang Kaalaman o Background
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag ng Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel
II. Mga Kaugnay na Literatura
A. Depinisyon
B. Maikling Kasaysayan
C. Mga Pormat
D. Pagkokompara
E. Mga Naunang Pag-aaral
III. Metodolohiya
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos
IV. Resulta
V. Kongklusyon at Rekomendasyon
VI. Bibliyograpiya
apat na bahagi ang konseptong papel
RATIONALE
LAYUNIN
METODOLOHIYA
INAASAHANG OUTPUT O RESULTA
Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
Ito ay bahagi ng konseptong papel na nagsasalaysay kung saan nagmula ang ideya ng paksa. Madalas, sinasagot nito ang tanong kung bakit mo napili ang paksang pag-aaralan. Kung hindi ka man maglahad ng personal na dahilan, dito mo maaaring isaad kung bakit mahalaga at bakit makabuluhan ang iyong paksa.
RATIONALE
Ang _______ ay bahagi ng konseptong papel na nagsasalaysay ng pakay o nais gawin ng pag-aaral. Kumbaga, ito ang nagsasaad ng “end goal.” Ang pakay ng karamihan ng pananaliksik ay makapagbigay linaw sa isang research problem. Maaari itong nasa anyong patanong. Nahahati ito sa dalawang bahagi—ang pangkalahatan at ang tiyak na layunin.
Sa pangkalahatang layunin tinatalakay ang kabuuang nais matamo ng isang pananaliksik. Ito ang malawak na tanong na maaaring maglaman ng hypothesis o tesis na pangungusap. Samantala, sa tiyak na layunin naman masasagot ang mga partikular na tanong o maiisa-isang mailarawan ang mga nais makamit sa dulo ng pananaliksik.
LAYUNIN
Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang ng pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon.
May iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos gayundin.
Ang pinakakaraniwang paraang ay ang literature search, kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa internet.
METODOLOHIYA