Pagbabagong Pampolitika Flashcards
Isang konsehong gumagawa ng mga patakaran o batas para sa mga bansang sinakop ng Espanya
Consejo de Indias
Pamahalaang nagmumula sa pamahalaang pambansa
Pamahalaang sentralisado
Pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal na hinirang ng hari bilang kinatawan niya sa bansa
Gobernador-heneral
Tama o mali
Ang gobernador-heneral ay maaring manungkulan hanggat hindi siya pinapalitan ng hari
Tama
Tama o mali
Maaaring maging gobernador-heneral hindi lamang ang mga Espanyol kundi pati mga Pilipino
Mali
Tanging mga Espanyol lamang ang pedeng maging gobernador-heneral
Tama o mali
Ang gobernador-heneral ay may kapangyarihang panglehislatura, pang-ehekutibo at panghudisyal
Tama
Makapangyarihan ang isang gobernador-heneral
Uri ng kapangyari na kung saan ang batas na itinalaga ng hari ay hindi ipapatupad ng gobernador-heneral dahil hindi ito angkop sa pangangailangan ng kolonya
Cumplase
Tama o Mali
Sa kapangyarihang cumplase, naging mapang-abuso ang gobernador-heneral dahil minsan bumabase na lamang ito sa kanyang interes
Tama
Tama o Mali
Walang kapangyarihan ang gobernador-heneral na humirang at magpaalis ng opisyal maliban sa hari lamang
Mali.
May kapangyarihan ang gobernador-heneral na h7mirang at magpaalis ng opisyal
Tama o Mali
Nasa kamay ng gobernador-heneral ang kapangyarihang mamahala ng hukbong sandatahan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng bansa
Tama
Mataas na hukuman sa Espanya at sa mga kolonya nito
Real Audencia
Tama o Mali
Ang hari ang pinakamakamataas na pinuno ng Real Audencia?
Mali
Ang gobernador heneral ang may pinakamataas na kapangyarihan sa Real Audencia
Tama o Mali
Bilang pinakamataas na pinuno ng Real Audencia, may karapatan ang gobernador-heneral magbigay ng hatol o parusa, magpatawad o magpawalang sala sa isang kriminal
tama
Sino ang may kapangyarihang magtalaga o magpaalis ng gobernador-heneral?
Hari ng Espanya
Sino ang nagtatag ng Real Audencia?
Haring Felipe II
Apat nabumubuo ng Real Audencia
1 gobernador heneral
2 piskal
3alguacil mayor
4 teniente de gran chanceler
Sistema kung saan ang Audencia at bagong gobernador-heneral ay nagsasagawa ng imbestigastion tungkol sa dating gobernador heneral at mga kasamang opisyal.
Residencia
Ang residencia ay umaabot ng halos ilang buwan
Anim
dalawang uri ng pamagalaang panlalawigan
1 alcaldia
2 corregimiento
Tagapagsiyasat na ipinadala ng konseho upang magmasid sa kalagayan ng bansa.
Visitador
Siya ang gumagawa ng mga pag-uulat lalo na sa mga opisyal o pinuno ng kolonya na siya niyang inuulat sa hari ng Espanya sa kanyang pagbalik
Visitador
Tama o Mali
Sapat na ba ang visitador upang masupil ang mga mapang abusong opisyal ng Espanya?
Mali
Hindi padin sapat dahil nasusuhulan ang mga visitador.
Lupang ipinagkaloob ng hari ng Espanya bilang gantimpala sa katapatan ng mga tauhang Espanyol
encomienda
Dahil sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng mga encomendero, ang sistemang encomienda ay pinalitan ng?
pamahalaang panlalawigan
uri ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng alcalde-mayor na kumilala at nasakop ng pamahalaang Espanyol
alcaldia
uri ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng corregidor, na kung saan ang mga lalawigan ay hindi pa napasusuko ng mga Espanyol
corregimiento
sino ang kinatawan ng gobernador-heneral sa mga lalawigan (2)
1 alcalde-mayor
2 corregidor
Tama o Mali
Ang alkalde-mayor at ang corregidor ang punong tagapangasiwa at tagapagpaganap sa mga lalawigan gaya ng pangongolekta ng buwis at pangunguna sa mga panrelihiyon at edukasyon ng nasasakupan
Tama
Tama o Mali
Maliit lamang ang sahod ng alkalde-mayor at corregidor dahil may natatanggap din silang ibang pribilehiyo gaya ng paglahok sa kalakalang galyon
Tama
ibang tawag sa kalakalang galyon
Indulto de comercio
gusaling tinutuluyan ng mga bisita at manlalakbay sa bayan
Casa tribunal
Tama o Mali
Ang bawat lalawigan at binubuo ng ilang pueblo o payang pinamumunuan ng isang gobernadorcillo
Tama
Tama o Mali
Dapat ay may 25 taong gulang man lang at naging tenyente mayor o cabeza de baranggay ang isang gobernadorcillo
Tama
Tama o Mali
Labindalawang cabeza de barangay ang naghahalal sa bagong gobernador-heneral
Mali. Gobernadorcillo ang inihalal ng labindalawang cabeza hindi gobernador-heneral
Tama o Mali
Pribilehiyo ng isang gobernadorcillo ang hindi pagbayad ng buwis at hindi pag lahok sa polo y sevicios
Tama
pinakamaliit na yunit ng pamahalaan
pinaghati hating pueblo o bayan
Barangay
sino ang namumuno sa isang barangay
cabeza de barangay na karaniwang datu o rajah
Tama o Mali
walang suweldo ang isang cabeza de barangay
Tama pero may pribilehiyo siyang makabilang sa mga pangkat ng principalia
sila ang mga pangunahing tao sa bayan kasama ng gobernadorcillo
principalia
tawag sa pamahalaan na pinamumunuan ng alkalde at mga konsehal
ayuntamiento