PAGBABAGO PISIKAL Flashcards
ANO ANG MGA PAGABAGO SA KATAWAN NG TAO?
Kumakapal at tumitibay ang masel ng tiyan at kapal ng mga ugat.
2. Nadaragdagan ang laki ng baga at mga glandulang pangkasarian o sex glands.
3. Lumalaki ang mga kalamnan at mga buto.
KAILAN TMITIGIL ANG PAGLAKI NG TAO?
18 gulang pataas
ANO ANG MGA PAGBABAGO PAG NAGBIBINATA?
Ang balikat ay lumalapad.
2. Tumatangkad at bumibigat ang timbang.
3. Lumalaki at pumipiyok ang boses ( ito naman ay bumabalik sa normal pagkaraan ng isa o
dalawang taon).
4. Tinitubuan ng balbas, bigote, buhok sa kilikili, at paligid ng ari.
5. Paglitaw ng gulunggulungan. ( Adam’s apple)
Pagtutuli o Circumcision
Bahagi ng paglaki ng isang batang lalaki ang pagpapatuli.
Karaniwang nagpapatuli ang batang lalaki na may gulang na 9 to 12 taong gulang at kung hindi na
nakadikit ang balat na bumabalot sa ulo ng penis.
PANGANGALAGA SA BAGONG TULI
Magsuot ng malambot at maluwag na shorts
Iwasan ang pagbutingting sa sugat.
Ang sugat ay linisin sa pamamagitan ng pinakulong dahon ng bayabas o gamut na inireseta ng doctor.
Araw-araw na palitan ang balot at linisin ito.
Bago hawakan ang sugat magsabon at banlawang mabuti ang kamay
Siguraduhing malinis ang sugat pagkatapos umihi, gumamit ng gasa na pampunas nito.
Panatilihing malinis ang katawan at kasuotan.
Kumain ng masustansiyang pagkain maliban sa hipon, itlog, pusit at bagoong.