P10-Talumpati Flashcards
Ano ang talumpati?
Isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao na isang uri ng akademikong sulatin na pagsasalaysay, maaaring gamitan ng paglalarawan, paglalahad.
Ano ang mga pangunahing layunin ng isang mahusay na talumpati?
- Nagbibigay-impormasyon
- Nakahihikayat ng mga konsepto
- Nakapagpapaunawa
- Nakapagtuturo at paninindigan
Ano ang Biglaang Talumpati?
Uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda, karaniwang makikita sa job interview at mga pagkakataon ng pagpapakilala.
Ano ang kinakailangan sa Maluwag na Talumpati?
Dapat lubos na nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati at naensayo na ang pagbigkas.
Ano ang Manuskrito?
Uri ng talumpati na isinulat muna pagkatapos ay isinaulo ng mananalumpati.
Ano ang Isinaulong Talumpati?
Uri ng talumpati na isinaulo at nakasandig sa nakasulat na teksto.
Ano ang mga bahagi ng talumpati?
- Introduksyon
- Diskusyon o Katawan
- Katapusan o Konklusyon
Ano ang layunin ng Introduksyon sa talumpati?
Naghahanda sa mga tagapakinig para sa nilalaman ng talumpati.
Ano ang pangunahing bahagi ng talumpati?
Diskusyon o Katawan, dito tinatalakay ang pinakamahalagang punto o kaisipang nais ibahagi.
Ano ang mga katangiang nararapat taglayin ng Katawan ng Talumpati?
- Kawastuhan
- Kalinawan
- Kaakit-akit
Ano ang layunin ng Katapusan o Konklusyon ng talumpati?
Dito nakasaad ang pinaka konklusyon ng talumpati at nilalagom ang mga patunay at argumentong inilalahad.
Ano ang kahalagahan ng Haba ng Talumpati?
Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas.
Fill in the blank: Ang talumpati ay isang __________ na binibigkas sa harap ng maraming tao.
[tekstong]
True or False: Ang talumpati ay isang uri ng akademikong sulatin.
True
Fill in the blank: Ang __________ ay uri ng talumpati na isinaulo at nakasandig sa nakasulat na teksto.
[Isinaulong Talumpati]