P-Exam Flashcards
Ayon sa kanya retorika ang pakulti ng pagtuklas sa lahat ng abeylabol na paraan.
Aristotle
Ayon sa kanya retorika ang “art of winning soul” sa pamamagitan ng diskurso.
Plato
Ayon sa kanya ang retorika ay pagpapahayag ng disenyo upang makapanghikayat.
Cicero
Ayon sa kanya ang retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita.
Quintillan
Ayon sa kanya ang retorika ay disiplinang nakatuon sa pag-aaral ng lahat ng mga paraang ginagamit ng tao.
Douglas Ehninger
Ayon sa kanya ang layunin nito ay maimpluwensyahan ang pagpapasya ng mga tao hinggil sa ispesipikong bagay.
Gerald A. Hauser
Ayon sa kanya ang retorika ay proseso ng paggamit ng wika upang mag-organisa ng karanasan at maikomunika.
C.H. Knoblauch
Ayon sa kanya ang retorika ay isang pag-aaral kung paano ginagamit ng tao ang wika at iba pang simbolo.
Charles Bazerman
Ayon dito ang retorika ay isang estratedyik na paggamit ng komunikasyon.
The Art of Rhetorical Criticism
Kahalagahan ng Retorika
- Kahalagahang Pangkomunikatibo
- Kahalagahang Panrelihiyon
- Kahalagahang Pampanitikan
- Kahalagahang Pangmedia
- Kahalagahang Pampulitika
ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na paraan upang maunawaan ng iba pang tao.
Kahalagahang Pangkomunikatibo
salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang sekta ng relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya.
Kahalagahang Panrelihiyon
sa isang manunulat, ang kanyang tagumpay sa pagsusulat ay nasa paggamit niya ng mga salita.
Kahalagahang Pampanitikan
Ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula, gayundin, ang mga personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang tagumpay sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at mga kaakit-akit nilang boses na humuhubog sa kanilang personalidad para makilala ng madla.
Kahalagahang Pangmedia
Maraming batikang pulitiko ang namumuhunan sa maretorikang pagpapahayag.
Kahalagahang Pampulitika
Katangian ng Retorika
- Simbolikal
- Nagsasangkot ng mga tagapakinig
- Nakabatay sa panahon
- Nagpapatatag sa maaaring maging katotohanan
- Mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika
- Nagbibigay lakas/kapangyarihan
- Malikhain at analitiko
- Nagsusupling na Sining
Tatlong Paraan ng Panghihikayat ayon kay Aristotle
- Ethos
- Logos
- Pathos
Elemento ng Retorika
- Paksa
- Kaayusan ng mga bahagi
- Estilo
- Shared knowledge
- Paglilipat ng mensahe
Nagtatag ng retorika bilang isang agham noong ikalimang siglo at ang may akda ng unang handbuk hinggil sa sining ng retorika.
Corax
Ama ng Orotaryo
Homer
Isang pampublikong pagsasalita na nagpapakita ng kahusayan sa pagsasalita na nagbibigay epekto sa madla.
Orotaryo
Tawag sa isang pangkat ng mga guro.
Sophist
Kauna-unahang Sophist na nagsagawa ng pag-aaral sa wika.
Protagoras
Ten Attic Orators: Teorya at praktika ng retorika.
Antiphon
Nagpalawak ng sining ng retorika.
Isocrates
Akda ni Plato
Gorgias
Akda ni Aristotle
Rhetoric
Tinaguriang dakilang maestro ng retorika at praktikal na retorika.
Cicero at Quintillan
Tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat.
Ethos
Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
Pathos
Tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
Logos
Ang mga simbolo ay kinakatawan ng mga letra, imahe o kaya’y kumpas na may ipinararating na ideya o kaya nama’y natatagong kahulugan.
Simbolikal
Lumalabas lamang ang paggamit ng retorika kapag nag-usap o nagkaroon ng instensyon ang dalawang tao na magpalitan ng impormasyon. Maaaring intensyon ng retor na magbigay ng impormasyon o manghikayat ng mga tagapakinig.
Ang retorika ay nagsasangkot ng mga tagapakinig.
Ang gumagamit nito ay nangungusap sa wika ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon.
Ang retorika ay nakabatay sa panahon.
Sa ilalim ng mga tayutay, malimit na gawing bahagi ng pahayag ang personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong tumalon mula sa realidad sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyens.
Ang retorika ay mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika
Ang kapangyarihang panlipunan ay karaniwang nakukuha sa galling ng pagsasalita sa harap ng publiko. Ang mga pulitiko, pastor, negosyante, titser, at iba pang maykapangyarihan o awtoridad ay nakaiimpluwensya/nakapaghihikayat ng tao.
Ang retorika ay nagbibigay lakas/kapangyarihan
Ang konsepto ng pagiging malikhain ng isang retorika ay maipapakita ng isang tagapagsalita kung nagagawa niyang mabigyan ng kongkretong imahe ang mga tagapakinig sa pamamagitan lamang ng mga salita.
Ang retorika ay malikhain at analitiko
Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman. Halimbawa, ang isang manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda.
Nagsusupling na sining
Ito ay pinaguusapan katulad ng sa pagsulat ng isang pahayag o komposisyon.
Paksa