Noli Me Tangere Flashcards
characters and kabanata 1-14
binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan sa San Diego
Don Crisostomo Magsalin Ibarra
Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon.
Maria Clara
isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito.
Elias
isang iskolar na nagsilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego
Pilosopong Tasyo
isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego.
Padre Damaso
isang mayamang mangangalakal na taga-binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara
Don Santiago “Kapitan Tiago” delos Santos
ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan
Don Rafael Ibarra
mapagmahal na ina ni Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit
Sisa
kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego
Padre Bernardo Salvi
paring dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra
Padre Hernando Sibyla
Nakakatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento.
Basilio
Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Crispin
Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
Alperes
Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
Donya Consolacion
Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol.
Donya Victorina de Espadaña
siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng Magandang kapalaran.
Don Tiburcio de Espadaña
Binatang Napili ni Padre Damaso maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
Alfonso Linares
Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nung siya ay sanggol pa lamang.
Tiya Isabel
Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak.
Donya Pia Alba Delos Santos
Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra.
Tenyente Guevarra
Ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas.
Kapitan Heneral