MP1 Flashcards
Wala sa langit, wala sa lupa Kung tumakbo ay patihaya.
bangka
Kung araw ay nilalayo ka, Kung gabi ay kinakabig ka.
bintana
Inisip ng marunong. Sinabi ng gunggong.
bugtong
Bumubuka’y walang bibig. Ngumingiti nang tahimik
bulaklak
Langit sa itaas, langit sa ibaba. May tubig sa gitna.
buko
Heto na si Lelong, Bubulong-bulong
bubuyog
Itinulak ko na, Nagbalik pa.
Duyan
Kapag bago ay mahina, Matibay kapag naluma
semento
Umupo si itim, sinulot ni pula, Lumabas si puti, bubuga buga
sinaing
Nang hinulog ay buto, Nang hanguin ay trumpo
singkamas
ang magtanim ng hangin?
bagyo ang aanihin
nasa tao ang gawa
nasa diyos ang awa
ang taong palabintangin
walang bait sa sarili
ubos ubos biyaya
bukas nakatunganga
kapag may tiyaga
may nilaga
isang kahig
isang tuka
kapag may isinuksok
may madudukot
habang maiksi ag kumot
matuto kang mamaluktot
ang maghangad ng kagitna
isang salop ang mawawala
ang lumakad ng matulin
kung matinik ay malalim
naghuhugas ng kamay
nagmamalinis
nag-aapoy ang tuktok
galit
nanunungkit ng bituin
mataas ang pangarap
tabang lamig
manas
utak lamok
mahina ang pag iisip o walang alam
hawak sa leeg
sunud-sunuran
naglulubid ng buhangin
nagsisinungaling
naglalako ng asin
mayabang o nagyayabang
nagtatampisaw sa putik
gumagawa ng masama
lumilipad sa alapaap
lutang o wala sa sarili