Monetary Policy(patakarang pananalapi) Flashcards
Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi upang patatagin
ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at tiyakin na magiging matatag ang
buong ekonomiya.
Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)
Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o
magbukas ng bagong negosyo.
Expansionary Money Policy aka easy money policy
Layunin nito na mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan.
Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon.
Contractionary Money Policy aka tight money policy
Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay itinalaga bilang central
monetary authority ng bansa.
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Ito ang pangunahing institusyon na inaasahan ng pamahalaan na mamamahala sa
paglikha, pagsu- supply, pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya.
Nahahati ito sa dalawang uri; ang bangko at di-bangko.
Institusyon ng Pananalapi
Isang uri ng institusyong pampananalapi na tumatanggap at lumilikom na labis na salapi
na iniimpok ng tao at pamahalaan.
Bangko
ito ay tinatawag din sa savings bank na humihikayat sa
mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi ng kanilang kita.
Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank)
nagpapahiram ng salapi at tumatanggap ng impok na
pera ng mga kasapi nito
Savings and Loan Association
tumatanggap ng deposito ng mga mamamayan na
nagagamit sa pagpaphiram ng mga puhunan sa mga small ang medium scale
industries.
Private Development Bank
humihikayat din sa tao na mag-impok at tumanggap ng
sanla ng publiko bilang prenda sa pangungutang ng puhunan.
Savings and Mortage Bank
Ito ang bangko na nikikipag-ugnay sa mga nag-
iimpok at mga negosyante at kapitalista.
Bangkong komersyal (Commercial Bank)
mga bangko na ngalalayong tulungan ang mga magsasaka
upang magkaroon ng puhunan.
Bangkong Rural (Rural Bank)
bangko na nangangalaga sa mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na
walang kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng
bangkong ang mag pondo at ari-arian ng simbahan at mga charitable institutions.
Trust Companies
itaguyod ang pagpaptupad ng reporma sa lupa. May
kinalaman ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.
Land Bank of the Philippines
ito ang nagbibigay tulong pinansyal sa
pagpapatupad ng mga programa at proyekto na magpapaunlad ng pangunahing sektor
ng ekonomya, ang agrikultura at industriya.
Development Bank of the Philippines (DBP)