Modyul 6 Flashcards
TUNGKULIN AT ANTAS NG WIKA
Nakapagpananatili o nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
HALIMBAWA:
Pangangamusta
Liham pang-kaibigan
INTERAKSYUNAL
Tumutugon sa pangangailangan.
HALIMBAWA:
Pag-uutos
Liham pang-aplay o liham pangangalakal
INSTRUMENTAL
kumukontrol at gumagabay sa kilos o asal ng iba.
HALIMBAWA:
Pagbibigay direksyon
Panuto
REGULATORI
Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
HALIMBAWA:
Debate
Pagsulat ng talaarawan
PERSONAL
Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
HALIMBAWA:
Mga malilikhaing pahayag
Mga akdang pampanitikan
IMAHINATIBO
naghahanap ng impormasyon.
HALIMBAWA:
Pagtatanong
Survey
HEURISTIK
Nagbibigay ng impormasyon.
HALIMBAWA:
Balita sa pahayagan
Balita sa telebisyon
IMPORMATIB
PORMAL AT DI – PORMAL
ANTAS NG WIKA
PORMAL
Pampanitikan
Pambansa
DI – PORMAL
Balbal
Kolokyal
Lalawiganin
Ito ang pinakamataas at pinakamayamang antas ng wika. Ginagamit ito sa mga akdang pampanitikan katulad ng tula, kwento, sanaysay at iba pa. Masining at matalinhaga ang pagpapahayag.
Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto.
HALIMBAWA: Matamis ang dila Balat sibuyas Dinadagang dibdib
PAMPANITIKAN
Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla.
Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan. Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at kalakalan.
HALIMBAWA: Ina Ama Aklat
PAMBANSA
Ito ang pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa ingles. Tinatawag din itong salitang kalye o pangkanto. Ito rin ang wikang pinakamabilis magbago ang bokabularyo.
Wikang panlansangan.
HALIMBAWA: Chaka Istokwa Erpats
BALBAL
Ang pagbuo ng mga salitang balbal ay isang likas na proseso sa pag-unlad ng wika. Narito ang ilang karaniwang paraan:
- Paghango sa mga salitang katutubo.
- Panghihiram sa mga wikang banyaga.
- Pagbibigay kahulugan ng salitang tagalog.
- Pagpapaikli
- Pagbabaliktad ng buong salita.
- Pagbabaliktad ng pantig.
- Paggamit ng akronim.
- Pagpapalit ng pantig.
- Paghahalo ng salita.
- Paggamit ng bilang.
- Pagdaragdag
- Pagdaragdag
Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. Karaniwang pinakaikli ito mula sa mga pormal na salita. Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.
HALIMBAWA: Kelan Meron Sensya
KOLOKYAL