Modyul 3: Mga Barayti ng Wika Flashcards
Barayti ng Wika
Ay resulta ng mga iba-ibang panlipunang interaksyon sa isang pamayanan o resulta ng pagkakaiba ng mga tagapagsalita.
Dalawang Dimensyon sa Pagkakaroon ng Barayti ng Wika
Heograpiko at Sosyal
Heograpiko
Ito ay dahil sa pagkakahati-hati at pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo. Dayalekto ang barayti ng wikang nabuo dito.
Sosyal
Ang pagkakaroon ng iba’t ibang pangkat ng tao sa lipunan ang dahilan ng pagkakabuo ng dimensyong ito. Sosyolek ang barayting nabuo dito.
Dalawang Uri ng Barayti ng Wika
Pansamantalang Barayti ng Wika at Permanenteng Barayti ng Wika
Pansamantalang Barayti ng Wika
Kinabibilangan ito ng mga salitang may parehong baybay pero magkakaiba ang kahulugan ayon sa paggamit dito. Ito ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. (Sosyolek, Etnolek, at Register).
Permanenteng Barayti ng Wika
Nakasama rito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika. Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa araw-araw.
Idyolek
Bawat indibidwal ay may sariling istilo/tatak ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. (e.g “Magandang gabi, bayan!”)
Dayalek
Nalilikha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan. (3 Uri ng Dayalek: Heograpiko (batay sa espasyo), Tempora (batay sa panahon), at Sosyal (batay sa katayuan).)
Sosyolek
Ginagamit ng isang partikular na grupo. May kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian. (e.g Gay lingo o bekimon, jejemon, conyo, pabalbal o salitang kanto).
Dalawang Uri ng Sosyolek
Pormal at ‘Di-Pormal
Pormal
Wika na ginagamit ng mga propesyonal. (e.g Jargon - Ang tanging bokabolaryo sa isang partikular na trabaho o gawain. Hal. Abogado: Exhibit, Appeal, Complaint).
‘Di-Pormal
Mga salitang naimbento lamang ng mga ordinaryong tao sa lipunan. (e.g conyo at jejemon o jejespeak).
Etnolek
Isang barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Sila iyong mga mamamayan na nasa dulo ng laylayan ng lipunan. (e.g T’boli, Mangyan, Tausug, Ibaloi, etc.)
Register
Ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn.