Modyul 2: Batayang Kaalaman sa Panitikan Flashcards
Ayon sa kanya, “Ang panitikan ay nagpapayahag ng damdamin ng tao sa lipunan, sa pamalahaalan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha.”
Bro. Azarias
Ayon sa kanya, “Anumang bagay na naisatitik;ay maaring gawing panitikan.”
Webster
Ayon sa kanya, “Ang panitikan ay walang kamatayan.”
Atienza
Ayon sa kanya, “Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.”
Maria Ramos
Ayon sa kanya, “Ang panitikan ay Hindi lamang lumilinang sa nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.”
Santiago
Ito ay mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.
Tuluyan
Mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtok, at saknong.
Patula
Ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Karaniwang nagtatapos sa paglalasundo ng mga tauhan nasiyang nakapagpapasaya ng damdamin ng manonood.
Komedya
Karaniwang ginagamit sa lahat ng ga dulang musikal, kasama na ang opera. Ang sangkap nito ay malungkot ngun it nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.
Melodrama
Dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
Trahedya
Ang dulang may layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.
Parsa
Dula na ang paksa ay tungkol sa karaniwang pag-uugali ng tao o pook.
Saynete
Uri ng tulang patnigan na tumatatalakay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog sa dagat sa hangarain nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap.
Karagatan
Uri ng tulang patnigan na humalili sa karagatan. Ito ay paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Ang pangangatwiran ay hango sa bibliya. NIlalaro upang aliwin ang mga namatayan.
Duplo
Uri ng patnigan na pumalit sa duplo sa karangalan ng Siesne ng panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar.
Balagtasan
Isang akdang tuluyan na sinusulat sa isang mahabang salaysayin na hahati sa mga kabanata sa, ito ay hango sa tunay na buhay ng tao.
Nobela
Isang akdang tuluyan na itinatanghal sa ibabaw ng entablado. Ito ay nahahati sa ilang yugto at sa bawat yugto ay maraming tagpo.
Dula
Isang akdang tuluyan na salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.
Maikling kuwento
Isang akdang tuluyan na tumatalakay sa mga salaysaying hubad sa katotohanan, tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa nito.
Alamat