Modyul 1 Aralin 1 Flashcards
Ito ay isang batas na nag-aatas na gawing “required reading” sa lahat ng paaralan sa Pilipinas ang dalawang nobela ni Rizal: ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Batas Rizal (Batas Republika 1425)
Siya ang naghain ng panukalang batas sa Senado noong Marso 1956.
Dating Senador Claro M. Recto
Siya ang nag isponsor sa paghain ng Panukalang batas 438 bilang pinuno ng Komite ng Edukasyon sa Senado (bago pa man ito maaprubahan at maging ganap na Batas Republika 1425).
Dating Senador Jose P. Laurel
Sino ang nag apruba sa Batas Rizal?
Dating Pangulo Ramon Magsaysay
Ano ang mga hangad at layunin ng Batas Rizal?
- Muling pagbuhay sa kalayaan at nasyonalismo na siyang inalayan ng buhay ng ating mga bayani.
- Kilalanin ang ating pambansang bayaning si Jose Rizal sa paglaan ng kaniyang buhay at mga likha tungo sa ikauunlad ng bayan.
- Ayon kay Recto, ang dalawang nobela ni Rizal ay patuloy na inspirasyon ng patriyotismo na dapat taglayin ng bawat kabataang Pilipino.
Kailan inaprubahan ni dating Pangulo Ramon Magsaysay ang panukalang batas?
Hunyo 12, 1956; bilang pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan
Siya ay naniniwalang nagsimula sa probinsya ng Cebu ang paglaban tungo sa kalayaan, noong ipinagtanggol ni Lapu-lapu ang kaniyang bayan mula sa pananakop ni Ferdinand Magellan.
Pedro Lopez
Siya ay naniniwalang ang mga mag-aaral sa mga Katolikong paaralan ay maaaring maapektuhan kapag iniutos na basahin ang mga sulat ni Rizal.
Manila Archbishop Rufino Santos
Kaniyang inilarawan na ang mensahe ng mga gawa ni Rizal
sa pagtanaw sa nakaraan ay maaaring sumira sa kasalukuyang
kaayusan ng Simbahang Katoliko sa bansa.
Fr. Jesus Cavanna
Nanakot na magsasara ng kani-kanilang mga paaralan kung papasa sa Senado ang panukalang batas.
Mga Katolikong Paaralan
Siya ay naniniwalang nararapat na magkaroon ng karapatang tumanggi ang mga Katoliko sa pagbasa ng mga nobela ni Rizal kung sa tingin nilang may pagbanta ang mga nobelang ito sa kanilang kaligtasan.
Jesus Paderes
Siya ay naniniwalang pinatatamaan ni Rizal ang mga dogma, paniniwala ay gawain ng simbahan sa pamamagitan ng kaniyang mga akda.
Mariano Jesus Cuenco
Siya ay nangatwirang sinadyang patamaan ni Rizal ang mga kasanayan, pananampalataya, at paniniwala ng simbahang Katoliko.
Decoroso Rosales
Iilan sa mga tao at organisasyong labag sa Batas Rizal:
- Catholic Teachers Guild
- Catholic Action of the Philippines
- Congregation of the Mission
- Knights of Columbus
- Francisco Soc Rodrigo
- Members of Chamber of the Senate Committee
- Former Senator Domacao Alonzo of Sulu
Anong Exectuive Order ang in-isyu ni Dating Pangulo Fidel V. Ramos noong Marso 28, 1983?
Executive Order No. 75: Creating the National Heroes Committee under the Office of the President