Modyul 1: Ang Wika Flashcards
https://www.scribd.com/document/534974177/Filipino-101-MODULE-1-Wika-at-Kultura-Sa-Mapayapang-Lipunan
Ang wika ay isang arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan. Ito ay ayon kay?
Buensuceso
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay ayon kay?
Caroll (1954)
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mithiin. Ito ay ayon kay?
Edward Sapir (1949)
Ang wika ay isang set ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ito ay ayon kay?
Todd (1987)
Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa, at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao. Ito ay ayon kay?
Tumangan, Sr. et al. (1997)
Ang teoryang ito ay naninindigan na ang wika ay nagsimula sa pamamagitan ng panggagaya sa mga likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.
Teoryang Bow-wow
Ang teoryang ito ay naniniwalang nabuo ang wika sa instinctibong pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa, at iba pa.
Teoryang Pooh-pooh
Kilala rin bilang teoryang natibisko, ito ay nagmumungkahi na may ugnayang misteryo ang mga tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.
Teoryang Ding-dong
Ang teoryang ito ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon.
Teoryang Yum-Yum
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersang pisikal.
Teoryang Yo-he-ho
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao ay naging daan upang magsalita ang tao.
Teoryang Tarara-boom-de-ay
Isang masusing sistema ng mga paniniwala, kaugalian, sining, wika, relihiyon, teknolohiya, at iba’t ibang aspeto ng buhay na iniimpluwensiyahan ng isang pangkat ng mga tao sa isang partikular na lugar o komunidad.
Kultura
Isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang damdamin, ideya, at karanasan.
Wika
Tumutukoy sa organisadong grupo ng mga tao na nagkakaisa sa ilalim ng iisang pamahalaan, batas, o sistema ng pamamahala.
Lipunan
Wika: Japan
Amaterasu
- ang diyosa ng araw at isa sa mga pangunahing diyos sa Shinto, na itinuturing na ninuno ng mga emperador ng Japan.
Wika: Babylonian
God Nabu
- ang diyos ng karunungan, pagsusulat, at propesiya, at itinuturing na tagapagsalita ng mga diyos at tagapagsulat ng kapalaran.
Wika: Egyptian
Haring Thot
- ang diyos ng karunungan, pagsusulat, at kaalaman. Siya rin ang diyos ng buwan at may papel sa paglikha at mga proseso ng hustisya.
Wika: Hindu
Saravasti
- ang diyosa ng karunungan, musika, at sining, at kilala bilang tagapangalaga ng kaalaman at mga ispiritwal na pagbubunyag.
Ano ang mga teorya ng wika? (6)
1) Teoryang Bow-wow
2) Teoryang Pooh-pooh
3) Teoryang Ding-dong
4) Teoryang Yum-Yum
5) Teoryang Yo-he-ho
6) Teoryang Tarara-boom-de-ay
Mga epekto ng lipunan sa wika (6)
- Sosyoligguwistika
- Rehistro ng wika (register)
- Argot (kikolek)
- Sosyolohiya ng wika
- Antropolohikong linggwistika
- Etnolinggwistika