Modyul 1 Flashcards
Ayon sa kanila, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
Anderson et al. (1985)
Ayon sa kanilang artikulo, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaction ng imbak na kaalaman ng mambabasa, impormasyong ibinigay ng tekstong binabasa at konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbasa.
Winxson et Al. (1987)
Ayon sa kaniya, ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay nagbubuo muli ng isang mensahe o kaisipan na hinahango sa tekstong binasa
Kenneth Goodman
Ayon sa kanila, ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
Austero et Al. (1999)
Ayon sa kanila, ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
Austero et Al. (1999)
Ayon sa kanila, ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat.
Bernales, et al. (2001)
siya ang tinaguriang Ama ng pagbasa
William S. Gray
4 na hakbang sa pagbasa
• Persepsyon
• Komprehensiyon
• Reaksyon
• Asimilasyon
Magbigay ng 3 kahalagahan ng pagbasa
• Pangkasiyahan
• Pangkaalaman
• Pangmoral
• Pangkasaysayan
• Pangkapakinabangan
• Pampaglakbay-diwa
Siya ang maglahad ng 4 na hakbang sa pagbasa
William S. Gray
Ito ay ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa
Persepsyon
ito ay ang hakbang nang pagpoproseso ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbolong nakalimbag na binasa
Komprehensiyon
sa hakbang na ito, hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan, at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa
Reaksyon
sa hakbang na ito, isinasama at iuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati ng kaalaman at karanasan
Asimilasyon
2 pangkalahatang kategorya ng Mapanuring Pagbasa
• Intensibong Pagbasa at Ekstensibong Pagbasa