Module 8 Flashcards
Pinanggalingang wika ng salitang etika.
Griyego (Greek), ethos = character
Ayon kay Richard William Paul at Linda Elder, ang etika ay _______.
kalipunan o set ng mga konsepto at prinsipyo na dapat maging gabay sa tamang asal patungkol sa isang gawain
Uri ng proteksyong ipinagkakaloob ng batas ng Pilipinas sa mga awtor o may-akda sa kanilang mga orihinal na likha o imbensyon. Ito ay isang legal na paraan o instrumento na nagbibigay sa mga manlilikha ng tanging karapatang maglathala at magbenta ng kanilang mga gawa o likha, na kilala sa tawag na intellectual property.
Copyright
Dalawang uri ng likha na sakop ng Copyright Law.
- orihinal na literatura at likhang dining
- mga likhang may pinagbatayan (derivative works)
Pangongopya o paggamit sa ideya o gawa ng ibang tao nang walang pagkilala rito.
Plagiarism
Republic Act. 8293
Copyright Law ng Pilipinas
Isa itong samahan ng mga propesyonal na sikolohista sa Estados Unidos na naglatag ng mga estilo o format sa wastong paraan ng pagsulat. Ang estilong ito ay madalas na ginagamit sa mga sulating pananaliksik o research sa larangan ng edukasyon, sikolohiya, agham panlipunan, at maging sa agham.
American Psychological Association (APA).
Ito ay prospesyunal na samahang itinatag ng mga guro at iskolar para itaguyod ang pagaaral ng wika at panitikan. Ang ganitong format ay karaniwang ginagamit sa mga sulating pananaliksik o research sa larangan ng humanidades, lalo na sa wika at panitikan.
Modern Languages Association (MLA)
Karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga batayang aklat o teksbuk at iba pang lathalain.
Chicago Manual Style (CSM)