MODULE 7 Flashcards
Pag-aaral sa kung paano nahuhubog ng lipunan ang wika.
Inuunawa rin dito kung paano nagagamit ang wika depende sa
lipunang kinagagalawan ng nagsasalita.
Sosyolinggwistiko
Mga dahilan bakit nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan
ang dalawang tao ay ayon kay _____________
Hans R. Dua
Hindi pagkakaunawaan
ang dalawang tao ay maaaring nagmula sa isang taong
nagsasalita kung:
- Hindi lubusang nauunawaan ng
nagsasalita ang kanyang
intensyon. - Hindi maipahayag nang maayos
ang kanyang intensyon. - Pinipili ng nagsasalita na huwag
na lang banggitin ang kanyang
intensyon dahil sa iba’t ibang
dahilan.
Hindi pagkakaunawaaan mula sa taong nakikinig:
- Hindi narinig at hindi naunawaan.
- Hindi gaanong narinig at hindi
gaanong naunawaan. - Mali ang pagkakarinig at mali ang
pagkakaunawa.
Ang tagapakinig ay nakapagbibigay ng maling
interpretasyon sa narinig kahit hindi naman ito ang
ibig sabihin ng kausap.
Sannoniya (1987)
Ginamit ni Hymes ang akronim na __________ upang
ilista ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon
ng mabisang pakikipagtalastasan.
SPEAKING
Magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito
ay isasaayos.
Dell Hathaway Hymes
Depende sa lugar, okasyon, o
pagkakataon ang paraan ng pagsasalita.
Kung nasa pormal na pagkakataon, hindi
tayo nagsasalita gaano ng mga balbal.
Setting / Lugar
Ang lugar kung saan nakikipag-usap
ang isang tao.
Setting / Lugar
- Mga taong ating kinakausap
*Iba-iba ang paraan natin ng
pakikipag-usap depende sa ating
kausap. Iba sa guro, iba sa kaklase,
iba sa magulang, iba sa jowa, iba sa
tricycle driver.
Participant / Kalahok
- Layunin o pakay ng nagsasalita.
- pakikiusap
- paghingi ng tawad
- pakikipagkwentuhan
- pangungumbinsi
- panliligaw o pag-first move
Ends / Pakay
- Ang daloy ng usapan.
*Minsa’y nagsisimula sa biruan hanggang
sa nagkakapikunan.
*Nagsisimula sa dare hanggang sa
nagiging seryosong usapan.
*Nagsimula sa pangungumusta hanggang
sa nag-open na ng danas ang kausap.
Act Sequence / Daloy
- Tono o tunog ng pakikipag-usap.
*Depende sa intonasyon kung paano
magiging katanggap-tanggap ang mensahe.
Nakahuhumaling pakinggan o kausapin
ang taong magalang magsalita.
Nakakaasar naman kausap ang bastos o
nagmamalaki ang tono ng pagsasalita.
Keys / Tono
- Midyum ng komunikasyon. Maaring
pasulat o pasalita.
*Nakadepende sa kung pasulat o
pasalita ang paggamit ng mga salita.
Kung pasulat (katulad ng chat) mas
maingat sa paggamit ng salita at
pagbuo ng pangungusap.
Instrumentalities / Kagamitan o
midyum
- Kung ano ang kaugalian sa lipunang
kinabibilangan ng nagsasalita at ng
kausap.
*Kung nagbibiruan, maaaring may mga
sumasabat. Ngunit kung mas matanda
ang nagsasalita, kailangang alamin kung
kailan maaaring magsalita upang hindi
maging nakababastos ang pagsasalita.
*Alam dapat kung gaano kalakas o kahina
ang boses.
Norms / Kaugalian