Module 6 (Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal) Flashcards
communicative competence; sinabi niya, “Ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang linggwistika upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit nito.”
Dell Hymes
Kailangnag pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginamit sa teksto.
Higgs & Clifford (1992)
Sumasakop sa mas malawak konteksto ng lipunan at kultura.
Shuy (2009)
Pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamyanang marunong, mapanuri, kritikal at kapaki-pakinabang.
Otanes (2002)
komponent ng kakayahang pangkomunikatibo
kakayahang gramatikal o lingguwistiko, kakayahang sosyo linggwistiko, kakayahang pragmatik o istratedyik, kakayahang diskorsal
Ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
Kakayahang gramatikal o lingguwistiko
komponent ng kakayahang gramatikal
sintaks, morpolohiya, lekison, ponolohiya, ortographiya
pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan
sintaks
pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap; estruktura ng pangungusap
sintaks
tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita; uri ng pangungusap ayon sa gamit. (pasalaysay, patanong, pautos, etc.); uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan); pagpapalawak ng pangungusap
sintaks
Estruktura ng pangungusap
simuno o paksa (subject) at panaguri (predicate)
ang pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap.
simuno o paksa (subject)
nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
panaguri (predicate)
pangunahing uri ng pangungusap
karaniwan at di karaniwan
“Mabait si Jun.” at “Pumunta si Darla sa palengke.” ay halimbawa ng?
karaniwang pangungusap
“Si Jun ay mabait.” at “Si Darla ay pumunta sa palengke.” ay halimbawa ng?
di karaniwang pangungusap
anunamang pangungusap o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri basta’t may diwa at mensaheng ipinapaabot. Ito ay maituturing na pangungusap na walang paksa.
pangungusap na walang paksa
mga uri ng pangungusap na walang paksa
eksistensyal, sambitla, pautos, pormulasyong panlipunan, pahanga, temporal, penomenal/pamanahon, panawag, at ka-pandiwa
may bagay na umiiral sa himig totoo ng pangungusap sa tulong ng mga katagang may o mayroon
eksistensyal
ito’y isa o dalawang pantig na salita na nagpapaabot ng diwa o kaisipan. Kadalasan na ekspresyon ang ipinapahayag.
sambitla
salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ininasaad na diwa o mensahe kaya’t hindi pwedeng hindi sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo madiin at malalim.
pautos
pagbati at iba pang kalugod-lugod na salitang sinasabi upang makapag taguyod ng mabuting ugnayan.
pormulasyong panlipunan
ito’y ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga.
pahanga
nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian, karaniwang pang-abay na pamanahon.
temporal