MODULE 5 Flashcards
Ito ay boluntaryo o may kusa kung ito ay pinag-isipang mabuti at malayang naisagagawa.
Makataong Kilos
Ano-ano ang tatlong katangian na batayan sa mapanagutang pagkilos?
Katotohanan, Kalayaan, Pananagutan
Ano-ano ang 4 na Gabay sa Makataong Kilos?
- Ang katotohanan ay napakahalagang batayan ng moralidad.
- Ang katotohanan ay hindi nababago o nababaluktot, walang pinipiling panahon, lugar, o tao.
- Samakatuwid, ang bunga ng katotohanan ay para sa kapakanan ng lahat. Ito ay bubuo ng pagmamagandang-loob at mas mahusay na pagkakaibigan.
- Ang kusang-loob na pagkilos ay may kaakibat na pagsasakripisyo at pagmamahal para sa kapakinabangan hindi lamang sa lahat ng kinauukulan kundi higit para sa ikabubuti ng lahat.
TAMA o MALI
Ang kalayaan ay pinagkaloob ng DIYOS, ang kusang-loob o malayang pagkilos ng tao ay mayroong kaakibat na pananagutan.
TAMA
Ang idinudulot ng pananagutan ay nakaugat sa tatlong aspeto:
1.Ito ba ay ginawa nang buo ang kamalayan o kaalaman ng gumagawa?
- Ito ba ay ginawa nang may buong pahintulot ng gumagawa o sinadya ang paggawa?
- Malubha ba ang magiging bunga o resulta ng kusang-loob na pagkilos sa tao o lipunan na maaaring maapektuhan?
TAMA o MALI
Ang taong hindi nalalaman ang kanyang ginagawa ay MAYROONG pananagutang moral.
MALI
Ang taong hindi nalalaman ang kanyang ginagawa ay walang pananagutang moral.
TAMA o MALI
Kinakailangang BUO ang kanyang kaalaman at kamalayan sa pagkilos upang makita ang motibo o intensyon.
TAMA
TAMA o MALI
MALIIT na batayan ang motibo upang makita ang pananagutan ng tao sa kanyang ikinikilos.
MALI
Malaki na batayan ang motibo.
TAMA o MALI
Ang taong mas mataas ang kaalaman tulad ng nakapag-aral o mataas ang antas ng natapos sa edukasyon, ay may mas MALAKING pananagutan kaysa sa isang mangmang o kulang ang pinag-aralan.
TAMA
TAMA o MALI
Kung mas malaki ang kasalanan mas mabigat ang pananagutan ganun din naman kung maliit lang ang kasalanan maliit lang din ang pananagutan.
TAMA
TAMA o MALI
Kung gaano KALUBHA ang magiging epeko ng kusang-loob na pagkilos ay siya rin ang batayan ng pananagutan.
TAMA
TAMA o MALI
Ang pananagutan ay LUMALAKAS sa ilalim ng kamangmangan, pamimilit, di-sinasadya o pananakot.
MALI
Ito ay humihina sa ilalim ng kamangmangan, etc.
Ito ay pinangunahan ni August Comte.
Ito ay paniniwala na walang likas na batas kung kaya’t walang karapatan ang tao.
MORAL NA POSITIBISMO
Ito ay nanggaling sa salitang Griyego na hedone nanangangahulugang “kasiyahan” o “pleasure”.
HEDONISMO
Ito ay paniniwala na ang batayan ng isang pagkilos sa tama o mali ay nakasentro sa resulta nito lalo na kung ito y napakikinabangan at nakapagbibigay ng kasiyahan.
UTILITARYANISMO
Ang tao ay hindi bagay na isinasantabi na lamang kung hindi na napapakinabangan. Ang tao ay may dignidad na karapat-dapat na igalang.
UTILITARYANISMO
Ito ang paniniwala na nag pinakamataas nakabutihan ay ang kasiyahan ng tao. Ang motibasyon ng tao ay nakaugat sa paghahanapng kaniyang kasiyahan at pag-iwas sa anumang nagdudulotng sakit o pain.
HEDONISMO
Ang kahulugan ng ebolusyon ay pagbabago. Ito ay pagbabago sa usaping moral alinsunod sa likas na pagbabago ng panahon. Ito ay paniniwala na ang moralidad o ang pagsusuri sa tama o mali ay hindi pa tiyak dahil ang moralidad ay naglalakabay patungo sa kaganapan.
MORAL NA EBOLUSYONISMO
Siya ay isang pilosoper na Aleman ay nagsulat ng artikulong Master-slave Morality. Naniniwala siyang ang Master Morality ay mabuti dahil ito ay nagpapakita ng kapangyarihan
FRIEDRICH NIETZCHE