Module 2: In Tofu Flashcards
Isang kuwentong nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa Buhay ng isang tao. Layon nitong makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o mga pangyayari ay makatotohanan.
Anekdota
Dapat na makakuha ng interes ng mambabasa ang bawat pangungusap. Dapat na kapana-panabik ang panimulang pangungusap.
Anekdota
Isang grapikong midyum na gumagamit ng mga salita at larawan upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Komiks
naglalaman ng isang tagpo sa kuwento. (Frame)
Kuwadro
pinagsusulatan ng maikling salaysay.
Kahon ng Salaysay
Dito nakikita ang Pamagat
Pamagat ng Kuwento
pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista/tagaguhit.
Lobo ng Usapan
GUHIT ng mga Karakter
LARAWANG GUHIT NG MGA tauhan
isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari,pasulat man o pasalita.
Pagsasalaysay
Itinuturing itong pinakmasining,pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag.Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang Alamat, epiko at mga kuwentong bayan.
Pagsasalaysay
Ito ang naging libangan ng ating mga ninuno maging sa ibang bansa man. Ang pagpili ng paksa ang unang pinakamalahalagang hakbang sa Pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay Maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.
Pagsasalaysay
ito ang tamang paggamit ng balarila sa pangungusap katulad ng wastong pagbigkas at pagbaybay ng mga salita.
Gramatikal
ito ang paggamit ng wikang binibigkas at sinusulat upang makalikha ng makabuluhan at maayos na pagpapahayag
Diskorsal
dito ginagamit ng nagsasalita ang mga uri ng komunikasyon na berbal at hindi berbal upang maihatid nang mas malinaw at mas maayos ang mensaheng nais ipahayag
Strategic
pinakamadali at pinkadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat hango ito sa pangyayaring nararanasan ng mismong nagsasalaysay.
Sariling Karanasan