Module 1-3 Flashcards
tawag sa mga pangunahing pinagkunan ng mga kasaysayan. Maaaring ang mga ito ay nakasulat o di nakasulat, mga artifacts o labi na kayang magpaliwanag sa mga kaganapan noong panahong ang mga ito ay gamit ng mga taong nabubuhay
Batis
mga bagay na kayang makapagbigay ng direkta at unang ebidensya tungkol sa isang pangyayari, isang bagay, isang tao o grupo ng tao, o isang obra maestra ng isang pintor
Primaryang Batis
ang pinaka-unang human fossil na matatagpuan sa Asia-Pacific region at mas nauna pa sa “Tabon Man”
Callao Man
lalagyan ng buto ng namatay na may takip sa anyong bangka sakay ang dalawang tao/kaluluwa patungo sa kabilang buhay
Bangang Manunggul
testimonya ng sinuman na hindi partisipante o saksi sa pangyayari na kanyang kinukuwento o pinag-aaralan
Sekundaryang Batis
ang paraan ng paghahanap at pagkalap ng mga dokumento
Heuristic
kailangan upang makilala ang dokumentong huwad at ang dokumentong tunay
Kritikang Panlabas/ Kritika ng Kapantasan
ito ang pagwawasto ng nakasulat sa dokumento upang maibalik ito sa orihinal. Dito ay hahanapin ang mga pagkakamali hinggil sa pangkalahatang kaisipan ng may-akda upang mapalitaw ang mga isinisingit na lang sa orihinal na kasulatan
Restitusyon
tatlong bagay ang itatakda: ang petsa, lugar, at may-akda.
Pagtatakda ng Pinanggalingan
ito ang pagtatakda kung paano nalaman ng may-akda ang mga kaganapang isinulat niya.
Pag-uuri ng mga Batis
ang pagsusuri ng nilalaman ng dokumento at ang pagsusuri ng mga kalagayan na nagpalitaw ng ganitong uri ng dokumento
Kritikang Panloob/ Kritika ng Kapaniwalaan
ang pagkilala at pagtiyak ng mga nakatagong kahulugan sa mga dokumento
Hermeneutic
4 na pamamaraan ng pagbubuo ng kasaysayan
• Paghahambing sa Kasalukuyan
• Pag-uuri ng Kaganapan
• Paggamit ng Pangangatuwiran
• Ang Paglalahad ng Pangkalahatang Pormula
ito ay pangangatuwiran mula sa kawalan ng katibayan.
Negatibong Pangangatuwiran
ito ay nagsisimula sa isang kaganapang napatunayan ng dokumento at hahanguin ngayon ang iba pang katotohanan na hindi binabanggit ng dokumento. Ito ang paglapat ng pagkakahawig ng nakaraan sa kasalukuyan
Positibong Pangangatuwiran