Module 1 Flashcards
Kahalngahan Ng Pagmamahal Ng Diyos
› Nababago nito ang kamalayan ng tao.
Dahil
sa pagmamahal ng Diyos
nahibikayat ang bawat isa tungo sa makatotohanan at walang takot na pagsusuri ng sariling buhay.
> Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
Mula
sa karunungan
ng kaisipan
pinatitingkad
pag-ibig
na
nanggagaling sa puso ang ugnayan ng tao sa Diyos at kapuwa. Dahil dito
ang pagmamahal sa kapuwa ay isang marapat na pagtugon sa biyaya ng pagmamahal ng Diyos na ibinigay sa atin. Ang anumang gawin natin sa ating kapuwa ay parang ginawa na rin natin sa Diyos. Kung kaya ang ipinamalas nating pagmamahal at pagmalasakit sa kapuwa ay katulad din ng pagmamahal natin sa Diyos.
› Nagagabayang magpasiya at kumilos ang tao.
Ito ay batay sa pagpapahalagang moral at pagsasabuhay ng mga birtud.
Dahil dito napakikinang at napatitibay ang kaganapan ng tao tungo sa mapanagutang paggamit ng kalayaan
paggalang sa dignidad ng tao
› Nakakaranas ang tao ng pagbabalik-loob.
Binabago ng pagmamahal sa Diyos ang mga maling gawi at kilos ng tao.
Nagsisilbi itong lianag upang maituwid ang landas ng tao at mapagtanto ang mga bagay na mahalaga at makatwiran sa buhay. Pinatitibay rin ang isip upang makita ang mga bagay-bagay sa iba’t
ibang
perspektibo
samantalang hinuhubog nito ang kilos-loob upang kumilos tungo sa mga bagay na mabuti at mainam para sa tao.
Mga Hakbangin Upang Mapaunlad ang Pagmamahal sa Diyos
Ang pagmamahal sa Diyos ay maituturing na pinakamahalagang batayan upang maisabuhay ng tao ang kanyang kaganapan at tumugon sa kalooban ng Diyos.
- Buksan ang kaisipan at pukawin ang kamalayan upang surin ang bawat karanasan at sitwasyon sa buhay.
- Surin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na maaaring magbunga ng pagmamahal sa Diyos.