Module 1 Flashcards
Pagkamamamayan
isang tao na naninirahan sa isang tiyak na
estado na nagtataglay ng mga karapatan,
tungkulin, at pribelihiyo.
Mamamayan (citizen)
Ang katayuan o
kondisyon ng mamamayan sa pagiging
kasapi sa bansa
Pagkamamamayan (citizenship)
Saan unang umusbong ang konseptong pagkamamamayan
panahon ng Kabihasnang Griyego
Sino nagsabi na ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Murray Clark Havens (1981)
Anong artikulo ng Saligang Batas ng Pilipinas 1987 ang nagsasaad sa pagkamamamayan
Artikulo 4
Yaong mamamayan ng Pilipinas sa
panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; ama at ina ay Pilipino; mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino; naging mamamayan ayon sa batas
Artikulo 4: Seksyon 1
Ang katutubong inaanak ay Pilipino simula sa pagsilang; kung lahat ay natamo sa Seksyon 1 Talataan 3 ay Pilipino na
Artikulo 4: Seksyon 2
Ang pagkamamamayang Pilipino ay
maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
Artikulo 4: Seksyon 3
Mananatiling angkin ang kanilang
pagkamamamayan ng mamamayan ng
Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng
batas, na nagtakwil nito.
Artikulo 4: Seksyon 4
Ang dalawahang katapatan ng
mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang
batas.
Artikulo 4: Seksyon 5
Pananaw na ang pagkamamamayan ay naipapakita sa pamamagitan ng pakikiisa para sa pangkalahatang kapakanan at kaunlaran ng bansa. Makikita rin sa pagtupad ng mga tungkulin at pagganap o paggamit ng mga karapatan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagkilos. Ngunit dapat naaayon sa ipinaiiral o ipinatutupad na batas, regulasyon, ordinansa, at patakaran sa lipunan.
Lumawak na Pananaw
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kanyang magulang (sinusunod ng Pilipinas)
Jus Sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa lugar kung saan ipinanganak (sinusunod ng Amerika)
Jus soli o Jus loci