mod1 Flashcards
Ano ang kahulugan ng pagsulat?
Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo.
Ayon kay Badayos (1999), ano ang pagsusulat?
Isang sistema ng interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo.
Ano ang sinabi ni Cecilia Austera et al. (2009) tungkol sa pagsulat?
Ang pagsulat ay isang kasanayang naglulunod sa kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
Ano ang kahulugan ng pagsulat ayon kay Dr. Edwin Remo Mabilin et al. (2012)?
Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa.
Anong dalawang bahagi ang maaaring hatiin ang layunin ng pagsulat ayon kay Mabilin (2012)?
- Personal o Ekspresibo
- Panlipunan o Sosyal
Ano ang layunin ng pagsulat na nakabatay sa pansariling pananaw ng manunulat?
Personal o Ekspresibo
Mga halimbawa ng sulating personal o ekspresibo?
- Diary
- Dyornal
- Maikling Kuwento
- Dula
- Tula
- Awit
- Personal na Sanaysay
- Liham
Ano ang layunin ng pagsulat na naglalayong makipag-ugnayan sa ibang tao?
Panlipunan o Sosyal
Mga halimbawa ng sulating panlipunan o sosyal?
- Liham
- Balita
- Tesis at Disertasyon
- Anunsyo
Apat na kahalagahan ng pagsulat ayon kay Joey A. Arrogante (2000)?
- Panterapyutika
- Pansosyal
- Pang-ekonomiya
- Pangkasaysayan
Paano nakakatulong ang pagsulat sa panterapyutika?
Ang hindi natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin nang maayos sa iba.
Ano ang kahalagahan ng pagsulat sa pansosyal?
Nakakatulong ito upang magkaroon ng interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang kanilang kausap.
Paano itinuturing ang pagsulat sa pang-ekonomiya?
Isang propesyonal na gawain na nagagamit ng isang indibidwal upang matanggap sa mga trabaho.
Ano ang papel ng pagsulat sa pangkasaysayan?
Isang paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagtatala at pagdodokumento.
Ano ang kinakailangan upang makapagsulat?
- Wika
- Paksa
- Layunin
- Paraan ng Pagsulat
Ano ang kahalagahan ng wika sa pagsulat?
Wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, at damdamin.
Bakit mahalaga ang paksa sa pagsulat?
Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
Ano ang layunin sa pagsulat?
Ang layunin ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
Ano ang layunin ng paraan ng pagsulat na impormatibo?
Magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mambabasa.
Ano ang layunin ng paraan ng pagsulat na ekspresibo?
Magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.
Ano ang layunin ng paraan ng pagsulat na naratibo?
Magkwento o magsalaysay ng pangyayari.
Ano ang dapat taglayin ng manunulat ayon sa Kasanayang Pag-iisip?
Kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos.
Ano ang kinakailangan sa wastong paraan ng pagsulat?
Sapat na kaalaman sa wika at retorika.
Ano ang kasanayan na kailangan sa paghahabi ng buong sulatin?
Kakayahang maglatag ng mga impormasyon.
Fill in the blank: Dapat maging _______ at obhetibo sa pagpapaliwanag ng mga impormasyon.
lohikal