mod 13 Flashcards
Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.
Hilig
Ito ay naglalayong matuklasan mo ang iyong mga pinapahalagahan sa buhay at ang iba’t ibang kasiyahan na natatamo sa paggawa ng mga bagay.
Pagpapahalaga
Ito ay ang kakayahan ng isang mag-aaral na maunawaan ang motibasyon, intensyon, at nararamdaman ng ibang tao. Sila ay palakaibigan at madaling makahalubilo.
Interpersonal
Tumutukoy ito sa abilidad ng isang mag-aaral na ayusin ang isang suliranin gamit ang kanyang isip at galaw ng katawan. Mahilig sa sayaw at isports ang mga mag-aaral na may ganitong talento.
Bodily/Kinesthetic
Ang talentong ito ay may kinalaman sa pang-unawa ng sariling nararamdaman at pagkilala sa sarili.
Intrapersonal
Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kurso.
Talento
Kalakip nito ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Ito ang hangaring hindi lamang magkaroon ng maginhawang buhay kundi pakikibahagi rin para sa kabutihang panlahat.
Mithiin
Ito ay batay sa abilidad ng isang mag-aaral sa pang-unawa ng mga paksang may kaugnayan sa numero at siyensiya.
Logical/Mathematical
Tinutukoy nito ang mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).
Kasanayan or Skills
Ang mga taong may ___________ intelligence ay may malakas na imahinasyon, magaling sa direksyon maging sa mapa at larawan.
Visual/Spatial
Sino ang nag-develop ng ‘Multiple Intelligences’ at kailan?
Si Howard Gardner noong 1993
Magiliw sa iba, naglilingkod, at nanghihikayat
People’s skills
Humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista
Data skills
Nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina
Thing’s skills
Lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay.
Idea Skills