Midterm Exam Flashcards
•“Ito ay ang pagpapahayag ng
damdamin ng tao, sa lipunan, sa
pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at
sa Dakilang Lumikha,” Bro. Azarias
Panitikan
Ano ano ang mga suliranin ng Panitikang Pilipino ngayon?
- Hindi tinatangkilik ang sarili nating panitikan bagkus ay sa mga panitikang
banyaga. - May mga paaralan na hindi binibilang ito sa mga asignatura dahil alam na
raw ng mga mag-aaral ito. - Walang gaanong sumusulat para basahin ng kapwa Pilipino
- Umaasa na lamang ang mga kabataan ngayon sa pamumuna o pagsusuri
ng ibang kritiko na nalalathala na sa magasin at internet - Malayo na sa pulso ng mga bagong henerasyon ngayon.
- May gusot na namamayani sa mga wikang tinatangkilik.
- Hindi na lubos pinag-aaralan ang sariling gawa at mas bumababa ang antas ng kaalaman
sa sariling panitikan. - Kawalang halaga sa mga isinulat ng mga dakilang manunulat
- Kulang na sa pagmamalasakit at papaunlad ng sariling wika at panitikan.
- Kawalang malay sa mga kaganapang namamayani ang mga namumuno para sa
pagpapaunlad ng panitikang Pilipino.
Ano ang layunin sa pagaaral ng Panitikan?
• Upang makilala natin ang sarili bilang Pilipino, at matalos ang
minanang yaman ng isip at angking talino ng pinanggalingang lahi.
• Upang mapabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong
siya nating ginagawang sandigan ng ibang kulturang makarating sa
ating bansa.
• Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng
panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.
• Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at
magsikap na ito’y malinang at mapaunlad
• Upang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating panitikan
• Klima
• Hanapbuhay o gawain pang-araw-araw ng tao
• Pook o tinitirahan
• Lipunan at pulitika
• Edukasyon at pananampalataya
•Ang pagbasa ng panitikan ay hindi lamang nakapokus sa proseso ng
pagkuha ng kahulugan ngunit kasangkot din dito ang ano?
Pagbuo ng kahulugan
•Ito ay isang malalim na paghihimay sa akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Panunuring Panitikan
•Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay
Pananalig at Dulog
• Ang pagsusuri ng akda ay dapat may katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at may tapat
na mithi sa kalayaan
• Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangan mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi to ng
disiplina ng pagsusuri
• Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang
paglalahad
• Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtalakay at
organisasyon ng materyal, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng tesis o argumento na sinundad ng
buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang
pagkakasulat
Mga Simulain sa Panunuring Panitikan
Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang kritiko?
•Ang kritiko ay isang matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining
•Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o
ideolohiya
•Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa
panitikan
• Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya atbp.
• Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa
paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas
• Ayon kay Alejandro Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang
pamimili.
•Ang teorya ay unibersal at ito ay nakabatay sa paniniwala ng mga tao batay
sa kanilang kinalakihang kapaligiran.
•Ang teorya ay pormulasyon ng paglilinawing mga simulain ng mga tiyak na
kaisipan upang makagawa ng malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan.
•Ang teoryang pampanitikan ay tumutulong upang paglinawin ang isang
sistema ng mga kaisipan at pahalagahan ang akdang binasa.
Mga Teoryang Pampanitikan
• Pinapaniwalaang ang isang daigdigan ay hindi isang walang kahulugang kasalimuotan na kaaway ng tao may pagkakasundo at layunin sa kabuuan ang sandaigdigan na nilikha ay makapangyarihan at marunong sa lahat at itataguyod ang karunungan at pag-ibig.
Romantisismo
dumadakila sa halagang pantao
Romantisismong Tradisyonal
lumulutang ang pagkamakasariling karakter ng isang tauhan
Romantisismong Rebolusyonaryo
• Ito ay paniniwalang hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa sistema ng paniniwala. Ang bawat tao ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili. Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay responsable sa anumang maaaring kahinatnan o maging resulta ng kaniyang ginawang pagpili. Ang tao ay may sariling buhay at ang kanyang buhay ang nagbibigay kahulugan sa kanya bilang tao.
• Kalayaan at awtentiko ang tanging kinikilala ng teoryang ito – kitang-kita ng tao ang
proseso ng pagiging tao upang mabuhay
Eksistensyalismo
Ito ay pagpapatunay na ang wika ay hindi lamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kundi hinuhubog din ng kamalayang pangwika. Anito, nakabaon ang panlipunang kamalayan sa paggamit ng wika o paggamit ng mga salita ayon sa mga kinikilalang tuntunin at pagsasapraktikang panlipunan
Istrukturalismo
Winawasak nito ang sistema ng wika at binubuo lamang muli ito bilang kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad
Dekonstruksyon
• Ang teoretikal na batayan nito ay ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan ang teksto at ang manunulat ng akda, na susuriin ang masalimuot na realidad batay sa mga pagpapatunay sa mga makatotohanang datos at gagamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang akda na sa tingin niya ay representasyon ng realidad. Ang katotohanan ang binibigyang diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay. Pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas
din itong nakapokus sa lipunan at gobyerno.
Realismo
• Pinapahalagahan ang katwiran ang pagsusuri layon ay katotohanan, kabutihan, at kagandahan, malinaw, marangal, payak, matimpi, obhektibo, at may hangganan.
• Pinaniniwalaan sa teoryang ito na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya’t ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. Ipinapahayag ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi siya mahihiwalay sa daigdig nang walang pagbabagong magaganap sa kanyang kalikasan.
Klasismo
Layunin nito na gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa damdamin, kaisipan, ideya o saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling mauunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang paglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Ito ay nakapaloob na sa kung ano ang dapat makita o ipakita ng bawat lalaki o babae upang maipaalam nila na sila ay lalaki o babae.
Imahismo
• Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyan pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay.
• Ang pokus ng teoryang ito ay ang tao, at ang taong nakatungtong ng pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang sa tao ay tinatawag namang humanista.
“ Ang panitikan ng mga humanista ay nakasulat sa wikang angkop na angkop sa akdang sulatin… ito’y nagtatagalay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan” - Protagoras
Humanismo
• Pinakikita ang tunggalian o labanan ng dalawang magkasalungat na pwersa ng malakas at mahina, mayaman o mahirap, kapangyarihan at naaapi.
Marxismo
• Maaaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng isang akda at maaaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. Layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon, at operasyon sa kababaihan.
• Pinaniniwalaan sa teoryang ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng mga kalalakihan gaya ng nais patunayan sa kilusang itinatag ni Simone de Beauviour na sinundan naman ni Virginia Woolf.
Feminismo
• Halos nakatutulad din ito ng dulog realismo sapagkat ang dulog na ito ay nakatuon sa mga bagay na may kaugnayan sa likas na kapaligiran. Sa pamamagitan ng teoryang ito, inilalahad ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa doktrina o pilosopiya tungkol sa biyolohikal at sosyal na katangian ng kapaligiran upang makapamili ng paraan ng
pamumuhay ang tao at magkaroon ng malayang pagpapasya.
Naturalismo
Kung paano naging tanyag sa panunuring pampanitikan ang dulog na ito ay dahil na
rin sa dami ng pagsusuring ginagamitan ng ganitong teorya.
• Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang:
• Nilalaman
• Kaanyuan o kayarian, at
• Paraan ng pagkakasulat ng akda
Formalismo
• Sa ganitong oryentasyon, ipinapalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad hindi lamang ng literal na katotohanan at di mapapawing pagpapahalaga.
Moralistiko
• Tintitingnan ang perspektibang ito ang kwento bilang binubuo ng mga pormal na element o sangkap. Bawat sangkap ay tumutulong upang bigyan ng organikong kaisahan sa kwento.
Malinaw ang pag-unlad ng kwento mula sa simula, gitna at katapusan. Bawat bahagi ay
nakakapagtulak sa pag-unlad at pagresolba ng tunggalian sa kwento.
Pormalistiko
• Layunin nito na iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosexual
• Kung ang mga babae ay may feminism, ang mga homosexual naman ay ito
• Kasalukuyang kontrobersyal sa kadahilanang pilit na binibigyan ng mga taong naniniwala nito na dapat na magkaroon ng pagkakapantay-pantay na pagtingin sa lipunan.
Queer
Ang mga sumusunod ang pangunahing sangkap ng kwento:
• Tagpuan
• Karakter
• Tunggalian
• Plot o Banghay
• Resolusyon
• Sinasaklaw ng teoryang ito ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa aspektong
nagpapalutang sa isang akda:
• Talambuhay ng mag-akda
• Ang sitwasyong politikal na nakapaloob sa akda, at
• Ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa akda.
• Sa perspektibong ito mahalagang may kaalaman sa sosyo-politikal, ekonomiya, at kultural na aspekto.
Historikal