Mga Uri ng Pagbasa Flashcards
Ano ang ibig sabihin ng pag-basa?
- Ang pagbabasa ay pagkilala, pag-unawa,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. - Ito ay isang proseso sa pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa.
Saan galing ang salitang Panitikan?
sa ingles ay “literature” at sa kastila ay “literatura” na batay sa latin na litera na ang kahulugan AY LETRA O TITIK.
Ano ang ibig sabihin ng Panitikan?
Ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng ating sariling panitikan?
- Malalaman ang kanilang kultura at kasaysayan. (will know)
- Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag- uugali. (know)
- Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi. (will be firm and true to who they are)
- Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong. (know their mistakes to enrich them)
- Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan. (will adore their culture)
Tama o Mali. maaaring kumilos ang wika sa emosyon ng mambabasa sa dalawang paraan: maaaring maghatid ito ng ideya na sa kalaunan ay maghahatid ng emosyon at maghahatid ito ng direktang emosyon sa mambabasa ng walang tagapamagitan sa mga ideya.
Tama
Ano ang apat ng proseso sa pagbasa.
Persepsyon
Komprehensyon
Reaksyon
Asimilasyon
Ano ang ibig sabihin ng Persepsyon?
Pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo.
Ano ang Ibig sabihin ng Komprehensyon.
Pagpoproseso ng mga impormasyon ng simbolong nakalimbag na binasa.
Ano ang ibig sabihin ng Reaksyon?
Paghatol sa kawastuhan ng mga detalye, kahusayan ng pagkakasulat at halaga ng teksto.
Ano ang ibig sabihin ng asimulasyon?
Pagsasama-sama ng mga bagong kaalaman at sa dating kaalaman
Ano ang iba’t ibang Estratehiya sa Pagbasa at Pagsusuri ng Panitikan?
- Pakikisangkot
- Pakikipag-ugnayan
- Paglalarawan
- Pagbibigay-kahulugan
- Paghatol
Ano ang ibig sabihin ng Pakikisangkot?
Paglalapat ng karanasang emosyunal o relasyon ng mambabasa sa teksto.
Ano ang ibig sabihin ng Pakikipag-ugnayan?
magkakatulad na karanasan, saloobin at kaalaman ng tekstong binasa sa iba pang teksto. (basically like rrl)
Ano ang ibigsabihin ng Paglalarawan?
Pagsasalaysay ng kilos, ugali, paniniwala, layunin at plano ng mayakda gamit ang wika.
Ano ang ibig sabihin ng Pagbibigay-kahulugan?
pagpapaliwanag sa mga kahulugan ng mga simbolong ginagamit ng may-akda,.