Mga Uri Ng Gender, Sex At Gender Roles Sa Iba't Ibang Bahagi Ng Daigdig Flashcards
Tumutukoy sa bayolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtataka ng pagkakaiba ng babae sa lalaki
Sex
Tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki
Gender
Tama o mali
Ang gender ay pwedeng magbago sa pag usad ng panahon
Tama
Tama o mali
Ang gender ay iba iba sa bawat kultura
Tama
6 na social institution na nakaapekto sa gender roles
Pamilya, eskuwelahan, mass media, relihiyon, estado, at lugar ng trabaho
Itinakdang pamantayan na base han ng tungkulin o gampanin ng babae at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan
Gender role
Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na Maaaring nakatugma o hindi sa sex niya nang siya’y ipinanganak
Gender identity and expression
Tawag sa mga babaeng itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay isang Kultural na kasanayan sa Panay
Binukot
Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa Subalit Maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki
Boxer Codex
Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anomang benepisyong medikal
Female Genital Mutilation (FGM)
3 pangkulturang pangkat sa New Guinea
Arapesh, Mundugamur, Tchambuli
Walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat
Arapesh
Ang mga babae at lalaki ay kapwa, matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat
Mundugumur (Biwat)
Ang mga babae at inilalarawan bilang dominante kaysa sa mga lalaki
Tchambuli
Isang Lider-espiritwal na may tungkulin pang relihiyon at mahahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman
Babaylan