Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Flashcards
Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
Don Crisostomo Ibarra
Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
Maria Clara delos Santos
Siya ay isang magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami, at may pambihirang tibay ng loob.
Elias
Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng marami.
Pilosopong Tasyo
Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal.
Padre Damaso
Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi
Don Santiago “Katipan Tiago” Delos Santos
Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labe na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang kanyang tinataglay. Ito ang dahilan. kung bakit siya ay pinaratangang erdhe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito.
Don Rafael Ibarra
Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig, at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak
Sisa
Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego
Padre Bernando Salvi
Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
Padre Hernando Sibyla
Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento, Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
Basilio
Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Crispin
Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Alperes
Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
Donya Consolacion
Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama’t ito ay laging mali.
Donya Victorina de Espadaña