mga tauhan sa noli Flashcards
Anak ni Don Rafael Ibarra, ang pinakamayaman sa bayan ng San Diego. Nag-aaral sa Europe at nagplanong magtayo ng isang malaking paaralan sa kanilang bayan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.
Juan Crisostomo Ibarra
Isang sawimpalad na magsasakang nagligtas kay Ibarra at tumulong sa kaniya upang makilala niya ang kaniyang bayan at malaman ang mga suliranin nito.
elias
Isa sa mayayamang mangangalakal sa San Diego. Ama ni Maria Clara
Kapitan Tiyago
Kasintahan ni Ibarra. Anak ni Kapitan Tiyago. Pinakamagandang dilag sa San Diego
Maria Clara
Paring Franciscano na naging kura-paroko ng San Diego sa loob ng matagal na panahon.
Padre Damaso
- Kurang pumalit kay Padre Damaso. May lihim na pagtangi kay Maria Clara.
Padre Salvi -
Pinsan ni Kapitan Tiyago na nag-alaga kay Maria Clara.
Tiya Isabel
- Kilala bilang Pilosopo Tasyo o Tasyong Baliw. Isa siyang maalam na matanda kaya’t nilalapitan siya ng mga tao sa San Diego upang hingan ng payo.
Don Anastacio
Pinuno ng mga guwardiya sibil. Kaagaw sa kapangyarihan ng kura kaya’t madalas na nakakaaway ni Padre Salvi.
Alperes
- Dating labanderang naging maybahay ng alperes.
- Tinaguriang “Paraluman ng mga Guwardiya Sibil”.
- Kinatatakutan ng mga taga-San Diego dahil sa kaniyang itsura at kasamaan ng ugali.
Doña Consolacion
Ang mapagmahal na ina ng mga batang sacristan na sina Basilio at Crispin
Sisa
- Mayamang asawa ni Don Tiburcio de Espadaña. Nagpanggap na mestisang Español.
Doña Victorina de Espadaña
- Español pilay na napadpad sa Pilipinas upang maghanap ng magandang kapalaran.
Don Tiburcio de Espadaña
Kamag-anak ng mga de Espadaña. Napili ni Padre Damaso na ipakasal kay Maria Clara.
Alfonso Linares -
Malapit na kaibigan ni Maria Clara.
sinang
Kumakatawan sa Hari ng España. - Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Naging kaibigan ni Ibarra.
Kapitan Heneral
Kapatid ng taong madilaw na napag-utusang pumatay kay Ibarra
lucas
Tinyente Mayor ng San Diego
don filipo
Batang Bacristan, panganay na anak ni Sisa.
basilio
Bunsong anak ni Sisa, isa ring 3acristan.
crispin
- Paring Dominicano, kura-paroko ng Binundok.
Padre Sibyla
Tinyente ng mga guwardiya sibil. Nagtanggol kay Don Rafael Ibarra.
Tinyente Guevarra