Mga Tauhan sa El Filibusterismo Flashcards
Tinatawag ding Kardinal Moreno at Eminencia Negra
Simoun
Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere
Simoun
Binatang mag-aaral ng medisina, kinalinga at inampon ni Kapitan Tiyago
Basilio
Nangarap, nagsumikap mag-aral, at umibig sa isang masintahing dalaga sa katauhan ni Huli
Basilio
Ang makata at makabayang binata na mag-aaral ng Ateneo na nagmamahal nang labis kay Paulita Gomez kasunod ng pag-ibig niya sa bayan.
Isagani
Sinabi niya na kung sa kanyang pagtanda ay lumilingon siya sa kanyang kabataan at wala ni isa man siyang mabuting nagawa para sa kanyang bayan, bawat puting buhok ay magsisilbing tinik na susurot sa kanyang pagkatao.
Isagani
Paring Pilipino na lubos na iginagalang ng lahat dahil sa kanyang kahinahunan, taglay na kabaitan, at pagiging makatao bilang tunay na alagad ng Diyos
Padre Florentino
Siya ang pinagkatiwalaan ni Simoun sa mga lihim ng kanyang pagkatao at nagbigay-liwanag sa huling sandali ng buhay nito.
Padre Florentino
Ama ni Huli
Kabesang Tales
Isang masipag na magsasaka na naging biktima ng kawalang katarungan sa lupaing pinamuhunan ng buong pamilya niya ng pawis, dugo, at buhay makaraan ng panggigipit ng mga prayle.
Kabesang Tales
Isang dalagang taganayon, kasintahan ni Basilio at anak ni Kabesang Tales.
Huli
Dumanas ng kahirapan at ni hindi nakapag-aral bunga ng mga kagipitang sinapit ng kanyang pamilya. Nagpaalila kay Hermana Penchang upang matubos ang amang binihag ng mga tulisan.
Huli
Isang ginang na nasa hustong galang ngunit ang paggalang ay hindi natatamo bunga ng paraan ng pananalita at pananamit.
Dona Victorina
Binago niya ang katauhan niya upang mapabilang sa mataas na antas ng lipunan at itinakwil ang pagka-pilipino.
Dona Victorina
Naging kura paroko ng San Diego.
Padre Camorra
Siya ang larawan ng paring lumalabis sa kanyang katungkulan at hindi isinasakatuparan ang pagiging isang tunay na alagad ng Diyos.
Padre Camorra
Dating kura ng San Diego at obispo ng Sta.Clara
Padre Salvi
Ang paring pinatutungkulan ng ulong pugot sa kabanatag Pista sa Quiapo, ang ginamit ni Simoun upang ipabatid ang lahat ng poot niya sa paring gumipit sa kanya.
Padre Salvi
Isang gurong prayle sa pisika na namamahiya ng mag-aaral na lalo na sa Pilipinong estyudante.
Padre Millon
Ipinakita niya kung paano pakitunguhan ng mga prayle ang mga PIlipino.
Padre Millon
Tinatawag na Buena Tinta at Tagapanukala.
Don Custodio
May maliit na pagtingin sa kakayahan ng mga Pilipino at walang pagmamalaki sa pagka-Pilipino.
Don Custodio
Bantog na abogado ng Maynila
G. Pasta
Larawan siya ng taong makasarili at pasibong mayaman
G. Pasta