MGA TAUHAN SA EL FILIBUSTERISMO Flashcards
-Isang mayamang mag-aalahas na nagtatago sa katauhan ni Crisostomo Ibarra (mula sa Noli Me Tangere).
Simoun
Matangkad, nakadamit pang-Ingles, laging nakasalim na itim. Ang tagapayo ng kapitan Heneral.
Simoun
-Ang pinakamataas na pinuno ng bayan mula sa Espanya. Siya ay malapit na kaibigan ni Simoun. Hilig niya ang paglalaro ng bahara.
Kapitan Heneral
Nagpapanggap na nagmamalasakit sa mga Indio subalit inuuna ang kapakanan ng kaniyang kapwa Espanyol.
Kapitan Heneral
-Siya ay isa ring Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang,tumutupad sa tungkulin, may panindigan at may pantay na pagtingin sa lahat. Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila.
Mataas na Kawani
Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-isipan at hindi mabuti o hindi pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasya ng Kapitan Heneral ay kanyang sinasalungat at tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at hindi mabuti.
Mataas na Kawani
- Isang simpleng mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Huli Mahinahon magsalita at ang kan unahang natuklas sa pagkatao ni Simoun. Anak siya ni Sisa na dating tauhan sa Noli Me Tangere. Nagsilbi siya kay Kapitan Tiyago kapalit ng edukasyon.
Basilio
kasintahan ni Huli
Basilio
Isa rin siyang masigasig na mag-aaral na sumusuporta sa pagkakaroon ng Akademya para sa wikang Kastila
Isagani
Itinuturing na pamangkin ni Padre Florentino,
Isagani
makatang kasintahan ni Paulita Gomez
Isagani
Ang buong pangalan ni Don Custodio ay —–.
Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
Kilala rin sa tawag na “Buena Tinta”. Isa siyang kilalang mamamahayag na pinagtanungan ng mga mag-aaral ukol sa kanyang desisyon para sa Akademya ng Wikang Kastila.
Don Custodio
Siya ay nakapag asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyo siya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan. Siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.
Don Custodio
- Ang kanyang buong pangalan ni
Kabesang Tales ay —- .
Telesforo Juan de Dios
Siya ang dating —– ng Sagpang sa San Diego. Siya ang anak ni Tandang Selo.
Kabesang Tales
cabeza de barangay
ang ama nina Huli at Tano
Kabesang Tales
anak ni Kabesang Tales
Huli at Tano
Siya ay nagbalik bilang isang bandidong si Matanglawin na naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
Kabesang Tales
Isa siyang indio na mangangahoy at mangangalakal na Indi.
Tandang Selo
Siya ang ama ni Kabesang Tales at napipi dahil sa sinapit ng kaniyang pamilya.
Tandang Selo
-Isa siyang Pilipinong manananggol na naging kamag-aral ni Padre Florentino.
Ginoong Pasta
Siya ay may katandaan na, maputi ang buhok, matigas ang mukha at tila laging nakasimangot. Isa siya sa sangunian ng mga prayle kung may suliranin.
Ginoong Pasta
Ben-zayb —- ang kanyang totoong pangalan.
Abraham Ibañez
Isang mamamahayag sa isang pahayagang naniniwalang siya lamang ang natatanging nag-iisip sa Pilipinas.
Ben-zayb
Siya ang amaín ni Isagani.
Padre Florentino
Marangal at mabait na paring Pilipino. Pinatuloy niya si Don Tiburcio de Espandaña nang siya ay nagtatago sa kanyang asawa na si Donya Victorina.
Padre Florentino
Siya ay isang prayleng mukhang artilyero (Tagapagpaputok ng kanyon).
Padre Camorra
Mahilig sa mga magagandang dalaga. Sa kaniya lumapit si Huli
upang mapalaya ang kasintahang si Basilio. Pikon at mainitin ang ulo.
Padre Camorra
Kilala rin bilang Bernardo Salvi.
Padre Salvi
Siya ang paring Pransiskanong dating pumalit bilang kura ng bayan sa kumbento ng Santa Clara.
Padre Salvi
Nagkaroon siya ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara Siya ay payat, maputla, tahimik, at mukhang sakitin.
Padre Salvi
Ang paring kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago.
Padre Irene
Pinaniniwalaang kaanib siya ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Padre Irene
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Fernandez
Siya ay kaibigan ni Isagani na nangakong bibigyang halaga ang kahilingan ng mga mag-aaral tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila.
Padre Fernandez
Isang Dominikanong paring nagtuturo sa San Juan de Letran.
Padre Sybila
Isa rin siyang may lihim na pagtingin kay Maria Clara at naging bise-rector ng isang unibersidad.
Padre Sybila
- Siya ay kilala bilang isang batang paring Dominikano.
Padre Millon
Nakilala dahil sa galing niyang magturo sa Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran.
Padre Millon
Ipinakilala rin siya bilang isang guro sa asignaturang Pisika
Padre Millon
Ang buong pangalan niya ay —- na tiyahin ni Paulita Gomez.
Donya Victorina
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña
Isang Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola kung kaya abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng “kalidad” sa pangalan niya.
Donya Victorina
Ang sunod-sunurang asawa ni Donya Victorina na nagtago dahil hindi na niya matiis ang ginagawa sa kaniya ng kaniyang asawa.
Don Tiburcio de Espadaña
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Paulita Gomez
Tiyahin niya si Doña Victorina.
Paulita Gomez
Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Huli
Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na ngayon ay Simoun.
Maria Clara
Siya ay isa sa mga dahilan kung bakit muling nagbalik si Simoun, upang itakas siya sa kumbento ng Santa Clara ngunit sa kasawiang-palad ay nagpakamatay siya.
Maria Clara
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor at nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila.
Juanito Pelaez
Siya ay anak ng isang mayamang
mangangalakal at siya ang pinakasalan ni Paulita Gomez.
Juanito Pelaez
Ang mayamang mag-aaral na naging kaklase ni Isagani sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Makaraig
Siya ay masigasig na nakipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Makaraig
Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa wikang Latin, pinakamatalino sa bayan ng Batangas, hindi nakagiliwan at nakaaway niya ang ilang propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral.
Placido Penitente
ay isang mag-aaral na Kastilang salungat sa ginagawa ng kaniyang mga kababayan.
Sandoval
Mayroon siyang malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino, magaling din siyang bumigkas at magsalita, at gayundin sumasang-ayon siya sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Sandoval
Isa sa mga mag-aaral na nagtatanggol sa akademya.
Pecson
hilig siyang mag-isip sa ikabubuti subalit mas iniisip ang kabiguang kakaharapin.
Pecson
Mag-aaral na ang tanging nais lamang ay alamin kung walang klase.
Tadeo
Nagdadahilang maysakit ngunit nakapapasa pa rin sa klase.
Tadeo
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
Quiroga
Kinasangkapan siya ni Simoun upang tuparin ang balik nito.
Quiroga
Humimok kay Huli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra na mapalaya ang kasintahang si Basilio.
Hermana Bali
Siya ang mayaman at madasaling babaeng pinaglilingkuran ni Huli.
Hermana Penchang
Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad. Pinaparusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil makasalanan.
Hermana Penchang
Takot siya sa mga prayle kaya ayaw niyang tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito.
Hermana Penchang
Isang mayamang kapitan sa bayan ng San Diego
Kapitan Basilio
asawa ni Kapitana Tika
Kapitan Basilio
kaibigang matalik Kapitan Tiago
Kapitan Basilio
karibal ng namayapang si Don Rafael Ibarra; mayabang at arogante; ama ni Sinang na kaibigan ni Maria Clara.
Kapitan Basilio
Asawa ni Kapitan Basilio, ina ni Sinang.
Tika
Ina ni Placido Penitente na taga-Batangas.
Kang Andang
Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
Pepay
Siya rin ay hinilingan ng mga mag-aaral na kumumbinsi kay Don Custodio para suportahan nito ang paaralang nais nila.
Pepay
Isang Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
Camaroncocido
Isang matandang lalaking sinasabing matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Tiyo Kiko
Kapatid ni Huli, anak ni Kabesang Tales, at apo ni Tandang Selo.
Tano
Mang-aawit sa palabas
Gertrude
Isang mang-aawit sa palabas na kaibigan ni Padre Irene.
Serpolette
Kapatid ni Paulita Gomez
Paciano Gomez
- Ang misteryosong Amerikanong nagtanghal sa perya
Ginoong Leeds
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds.
Imuthis
Isa siyang kutserong dalawang beses na nahuli dahil nalimutan niyang dalhin ang kanyang sedula at walang ilaw ang kanyang kalesa.
Sinong
Siya rin ang tanging dumalaw kay Basilio nang nakakulong pa at nagbalita ng tungkol sa pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Huli.
Sinong
-Isa sa mga Pilipinong gwardiya sibil na nagpahirap sa mga Pilipinong bilanggo,
Mautang
-Nakapatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo
Carolino