Mga tauhan ng El Filibusterismo Flashcards
Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng kapitan heneral
Simoun
Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan.
Kapitan Heneral
Siya ay isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan ng kagalng galang, tumutupad sa tungkulin, maypaninindigan, at may kapanagutan
Mataas na kawani
Isang Mabuti at kagalang galang na paring Pilipino it pinilit lamang siya ng inang maging lingcod ng Diyos dahil sa kanyang panata.
Padre Florentino
Isang paring pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle.
Padre Bernando Salvi
isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya rin ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Sano Tomas
Padre Hernando Sibyla
Isang paring Kanonigo na minamliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra
Padre irene
Isang paring dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral
Padre Fernandez
Isang batang paring pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano anong mga bagay na maibigan
Padre Camorra
Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika
Padre Mlillon
Kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain.
Telesforo Juan De Dios
Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales
Juliana o Juli
Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales.
Tata Selo
Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya’y magsundalo.
Tano/Carolino
Nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral at nilunok nya ang pangmamaliit sa kanya. Nakapagtagumpay siya at nakapagpagamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng pagtatapos
Basilio
Isang malalim na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo at matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino
Isagani
Isang magaaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mauhsay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod na magaaral at palabasa ng iba’t ibang aklat kaya’t nangunguna sa pagbabago
Makaraig
Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan akhit pa lubhang kinaiinisan din niya ito.
Placido Penitente
Isang mapanuring magaaral. Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba’t ibang usapin
Pecson
Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si Placido.
Juanito Pelaez
Isang tunay na Espanyol na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino
Sandoval
Siya ay magaaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakakita ng propesor.
Tadeo
Isang masayahin at ang napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki.
Paulita Gomez
Isa siyang Larawan ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong knynag kalipi.
Donya Victorina de Espadana