Mga Sonang Maritime Flashcards
Bahagi ng dagat na napapagitan sa pulo at batayang guhit(baseline) ng isang kapuluang estado.
Walang dayuhan ang maaaring pumasok dito ng walang pahintulot
Lahat ng batas ng bansa ay umiiral dito
Kapuluang Katubigan
Archipelagic Waters
Bahagi ng dagat na nagsisimula sa batayang guhit hanggang 12 NAUTICAL MILES palabas sa dagat.
Maari dumaan ang mga dayuhang barko kung hindi makasasagabal ang mga ito sa kapayapaan at seguridad ng bansa.
Dagat Teritoryal
Territorial Waters
Bahagi ng dagat na nagsimula sa panlabas na hanggahan ng dagat teritoryal hanggang 12 NAUTICAL MILES palabas ng dagat.
Pagmamay-ari parin ito ng bansa subalit limitado ang kontrol nito sa mga dumadaan sa loob nito.
Sonang Karatig
Contiguous Zone
Nagsisimula sa batayang guhit hanggang 200 NAUTICAL MILES palabas ng dagat.
Kontrolado ng bansa ang lahat ng likas na yamang maaring makuha at mapakinabangan sa loob nito.
Ekslusibong Sonang Pang-ekonomiya
Exclusive Economic Zone/ EEZ
Bahagi ng dagat na walang bansa ang nagmamay-ari o kumokontrol.
Malayang makadaraan ang anumang barko dito at malaya ring makakuha ng anumang likas na yaman dito
Kalautan
High Seas
Ang guhit na tumutukoy kung saan nagsisimula ang mga sonang maritime ng isang bansa.
Batayang Guhit
Baseline
Mga katubigang matatagpuan sa loob ng isang bansa.
ex: ilog, look, lawa, at golpo
Katubigang Panloob
Internal Waters
Ito ang sahig ng dagat na nakaangat at nakalilikha bg mas mababaw na bahagi ng dagat sa labas ng EEZ ng isang bansa.
Malawig na Kalapagang Kontinental
Extended Continental Shelf/ECS