Mga Pundasyon ng Wasto, Angkop, at Mabisang Paggamit ng Wika Flashcards
ay ang natural na kaalaman ng tao sa sistema ng kaniyang wika, dahilan kaya nagagamit niya ito nang tama at mabisa. Ito rin ang pundasyon ng kaniyang generative grammar - generate na nangangahulugang “lumikha,” “bumuo,” o “magbigay” at grammar o ang “sistema ng isang wika
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
isang lingguwista at antropologo, hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon
Dell Hymes (1972)
sino ang sumuporta kay teorya ni Hymes sa pagsusulong ng kakayahang komunikatibo?
Michael Canale at Merrill Swain
ay ang kaalaman sa kayarian ng mga tunog, salita, pangungusap, at pagpapakahulugan ng isang wika.
KAKAYAHANG PANGGRAMATIKA
Ito ang katumbas ng kakayahang lingguwistiko ni Chomsky na naniniwalang ang tao ay may likas na kaalaman sa mga tuntunin at sistema ng kaniyang wika kaya nagagawa ng tao na gamitin ito nang may tamang estruktura.
KAKAYAHANG PANGGRAMATIKA
ay ang kakayahang gamitin nang angkop ang wika depende sa sitwasyon. Hindi lamang ito nakatuon sa pagiging tama ng kayarian ng pahayag kundi sa pagiging nararapat nito, depende sa kung sino ang kausap, saan nagaganap ang usapan, ano ang gamit ng pakikipag-usap, at kailan ito nagaganap
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
ay ang kakayahang pagsama-samahin ang mga pangungusap upang makabuo ng iba’t ibang uri ng teksto, pasalita at pasulat, na may hustong kayarian
KAKAYAHANG PANDISKURSO
Dahil sa kakayahang ito, nagagawa ng tao na makabigkas o makasulat ng iba’t ibang genre ng diskurso, gaya ng kuwento, tsismis, balita, talumpati, sanaysay, batas, mga patalastas at babala, tula, maikling kuwento, nobela, at dula.
KAKAYAHANG PANDISKURSO
ay ang natatanging kakayahang tugunan ang nararanasang suliraning pangkomunikasyon upang maiparating nang malinaw ang talagang nais sabihin o upang kahit paano’y magkaintindihan ang nag-uusap
KAKAYAHANG ESTRATEHIKO