Mga Personalidad sa Panahon ng Renaissance at ang kanilang Ambag Sining Flashcards
Isang tanyag na Italyanong pintor, ipininta niya ang
Last Supper, Mona Lisa, Vitruvian Man at iba pa.
Leonardo Da Vinci
Italyanong pintor, manunulat, arkitekto at eskultor.
Nakilala rin ang kanyang pinta sa kisame ng Sistine
Chapel na nagpapakita ng siyam na kuwento ayon sa
aklat ng Genesis sa Bibliya.
Michelangelo
Bounarroti
Nililok din niya ang
eskultura ni David sa
Florence, Italy.
Michelangelo
Bounarroti
Ang pinakatanyag
niyang obra ay ang Pieta
kung saan hawak ni
Maria ang katawan ni
Hesus matapos itong
ibaba sa krus.
Michelangelo
Bounarroti
Ang pinakatanyag niyang obra ay ang ———
kung saan hawak niMaria ang katawan ni
Hesus matapos itong ibaba sa krus.
Pieta
Siya ay isang Italyanong pintor
at arkitekto.
Raphael Santi
Ipininta niya ang Madonna and the Child na
tumutukoy kay Maria, ang ina
ni Hesus.
Raphael Santi
Ilan sa kanyang mga
obra ay ang The Marriage of the
Virgin—Vision of a Knight, Three
Graces, and St. Michael and
Deposition of Christ.
Raphael Santi
Pinaghalong
estilo ni Michelangelo ang
kanyang mga sining na hango sa
panrelihiyon na binigyan-diin ng Renaissance.
Raphael Santi
Siya ay isang Italyanong iskolar, makata at
humanista. Kinilala siya bilang “Ama ng Humanismo”
na ang mga tula ay hango kay Laura, na kanyang
iniidolong mahal.
Francisco Petrarch
Ang kanyang mga naisulat ay hango sa kanyang
interes sa klasikong kaalaman, pagpapahalaga sa
kalikasan. Ilan sa mga tanyag niyang mga naisulat ay
ang “Sonnet to Laura.l
Francisco Petrarch
Italyanong makata, manunulat, at iskolar. Sinulat
niya ang mga nakakaaliw na maikling kwento sa
makabagong wika.
Giovanni Boccaccio
Ang kanyang pinakatanyag na
akda ay ang “The Decameron” na naglalaman ng 100
koleksyon ng mga kawili-wiling kwento.
Giovanni Boccaccio
Isang Italyanong pampulitikang pilosopo at kalihim
ng Republika ng Florence. Ang pinakamahalagang
naisulat niya ay ang “The Prince”
, tungkol ito sa mga
katangian ng ideyal na pamumuno.
Niccolò Machiavelli
Sa kanyang aklat
nagbigay siya ng mga mungkahi kung paano mamuno
nang epektibo.
Niccolò Machiavelli