Mga Makrong Kasanayan Flashcards
Ano ang nga makrong kasanayan?
Pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-lisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
Makrong Kasanayan sa Pakikinig
Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa paramagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang negsasalita at ang kinakausap
Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
Makrong Kasanayan sa Pagbasa
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang malpahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
Makrong Kasanayan sa Pagsulat