MGA KONSEPTONG PANGWIKA Flashcards
masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Geason).
Wika
dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag
pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo
ng mga pangungusap.
May masistemang balangkas
dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha
ng mga salita.
Sinasalitang tunog
dahil ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng
platynotan, leksikon at istrukturang panggramatika.
Pinipili at isinasaayos
Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito.
Arbitraryo
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit.
Ginagamit
Nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura
ng mga bansa at mga pangkat.
Nakabatay sa Kultura
Daynamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang wika
ay maaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo.
Nagbabago
Ito ay nangangahulugang barayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. Ang
mga nagsasalita ng isang wika ay batay sa lugar na pinaggalingan at mayroong bahagyang
pagkakaiba sa bigkas.
Dayalekto
Ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito barayti ng wika ng
isang wika tulad ng dayalekto, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na
hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal.
Bernakular
Ito ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging
bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na
kahusayan.
Bilingguwalismo
Ang tawag sa pananaw kung saan ang isang tao ay
nakapagsasalita ng higit sa tatlong wika tulad ni Rizal.
Multilingguwalismo
Ito ay tinatawag ding “Wikang sinuso sa ina” o inang wika, unang wika na
natutuhan ng isang bata.
Unang Wika
Ang tawag sa iba pang wika na matututuhan ng isang tao
pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika.
Pangalawang Wika
Unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng konstitusyon ng
1987,” Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.”
Wikang Pambansa