Mga Konseptong Pangwika Flashcards
Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino noong 2017, ilan ang wikang ginagamit sa Pilipinas? Ilan ay ang mga namamatay na?
184 wikang ginagamit.
11 dying wika.
Ano ang TATLONG pinakagamit na wika sa Pilipinas?
- TAGALOG
- BISAYA
- CEBUANO at ILOKANO
Ano ang wika ayon kay Henry Allan Gleason Jr.?
Ang wika ay masistemang balangkas ng SINASALITANG TUNOG na isnasaayon sa paraang ARBITRARYO upang magamiy ng tao bilang bahagi ng isang KULTURA sa KOMUNIKASYON
Ilan ang mga katangian ng wika?
PITO
Anu-ano ang mga katangian ng wika?
Ang wika ay…
- Sinasalitang tunog
- Arbitraryo
- Sistemang balangkas
- Ginagamit sa komunikasyon
- Nakabatay sa kultura
- Nagbabago o dinamiko
- Ang wika at kaisipan ay HINDI napaghihiwalay
Ano ang ibig sabihin na ang wika ay sinasalitang tunog?
Ang anumang tunog na may kahulugan ay considered na wika. Ang mga pinagsama-samang tunog ay nakabubuo ng mga makabuluhang simbolo o salita.
Ano ang ibig sabihin na ang wika ay arbitraryo?
magkaiba ang mga salitang ginagamit sa iba’t ibang pook kahit na magkatulad ang kahulugan.
Ano ang ibig sabihin ng arbitraryo?
Ito ang pagbuo ng mga simbolo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya, at kaisipan buhat sa mga taong may sosyal na relasyon, ugnayan, o interaskyon sa isa’t isa.
Ano ang ibig sabihin na ang wika ay masistemang balangkas?
Mayroong isinusunod na istruktura o tuntuning gramatikal ang wika na nakatutulong sa pagbuo ng maayos at mabisang pagpapahayag.
Ano ang ibig sabihin na ang wika ay komunikasyon?
Ang komunikasyon ang payak na gamit ng wika at nagaganap sa pagitan ng nakikinig.
Ano ang apat na pinakamahalagang elemento ng komunikasyon?
- Nagdadala ng mensahe
- Pinagbibigyan/tumatanggap ng mensahe
- Medium/paraan kung paano naitatawid ang komunikasyon
- Feedback
Ano ang ibig sabihin na ang wika ay nakabatay sa kultura?
May mga kaisipan o salita sa isang wika ang walang panapat na katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng wikang ito.
Ano ang ibig sabihin na ang wika ay nagbabago o dinamiko?
Ang wika ay nagbabago dala ng panahon at ugnayan ng mga tao sa isa’t isa. Ito rin ay ginagamit ng tao sa pakikipag-ugnayan at pakikisangkot na nagdudulot kadalasan ng pag-usbong ng mga bagong salita.
Ano ang ibig sabihin na ang wika at kaisipan ay hindi napaghihiwalay?
Ang wika ang humuhulma sa kaisipan ng tao.
Umuunlad ang kaisipan dahil sa wika. Umuunlad ang wika dahil sa mga kaisipan.
Ano ang kahulugan ng wika base kay Paz, Hernandez, at Pereyra ng 2003?
Ang wika ay TULAY para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
Ang wika ay isang BEHIKULONG ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe.