Mga karapatan at tungkulin ng mga mamimili Flashcards
Nangangalaga sa mga karapatan at kaligtasan ng mamimili.
Consumer Act of the Philippines
Pagbabawal sa panggagaya ng tatak at itsura ng isang produkto.
Revised Penal Code
Pananagutan ng prodyuser na panatilihin ang kaligtasan ng mamimili.
Civil Code of the Philippines
Batas na nagsasabi na dapat maglagay ng price tag sa mga bilhin.
Price Tag Law
5 tungkulin ng mga mamimili
- Mapanuring kamalayan
- Pagkilos
- Pagmamalasakit sa lipunan
- Kamalayan sa kalikasan
- Pagkakaisa
Ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
Mapanuring kamalayan
Ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy
tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.
Pagkilos
Ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig na komunidad.
Pagmamalasakit sa lipunan
Ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan ang ating kapakanan.
Pagkakaisa
Ang tungkuling mabatid ang
kahihinatnan ng ating kapaligiran
bunga ng hindi wastong pagkonsumo.
Kamalayan sa kalikasan
May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, at kalinisan upang mabuhay.
Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan (Right to Basic Needs)
May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
Karapatan sa kaligtasan (Right to safety)
May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etikita at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.
Karapatan sa patalastasan (Right to information)
May karapatang pumili ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo.
Karapatang pumili
May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isinaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
Karapatang Dinggin (Right to representation)