Mga Karakter Flashcards
Isang mayamang mang-aalahas. Nagpanggap siyang mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at taga-payo din siya ng Kapitan Heneral.
Simoun
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kalaunan ay naging kakampi siya ni Simoun
Basilio
Ang makatang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.
Isagani
Naghangad ng karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari. Siya’y kasama sa mga naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan.
Kabesang Tales
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Tandang Selo
Anak ni Kabesang Tales at apo ni Tandang Selo. Siya ang nobya ni Basilio na hinalay ng paring matagal nang may pagnanasa sa kanya.
Juli
Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Siya din ay naging kaibigan ni Simoun.
Kapitan Heneral
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning pampaaralan.
Placido Penitente
Ang kubang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor at nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Siya ang nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli ng storya. Anak ni Don Timoteo Pelaez, isang mayamang mangangalakal .
Juanito Pelaez
Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina.
Donya Victorina
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Paulita Gomez
Isang manggagamot, pilay at sunod-sunuran sa kanyang asawa na si Victorina.
Don Tiburcio de Espadaña
Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ang katotohanan. Isang mamamahayag na Kastila na sumusulat ng mga artikulong laban sa mga Pilipino
Ben Zayb
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Macaraig
Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa Panciteria Macanista de Buen Gusto kung saan kanyang tinuligsa ang mga pari. Isang mag-aaral na may agam-agam sa plano ng pagtatag ng akademya.
Pecson